#burnsteem25 Diary Game: 8-23-2022 #club5050 My daughter is now 2 months old @jes88

in Steemit Philippines2 years ago

Greetings in peace!

To my dear diary, let me use vernacular words in writing my diary. This is my first time to write Filipino diary, so let's begin.

25% post pay-out to @null

IMG_20220823_151508.jpg

Malaking pasasalamat ko po sa Poong Maykapal dahil sa biyaya ng buhay na ipinagkaloob niya sa sanggol na noo'y nasa sinapupunan ko. Dalawang buwan na pala ang lumipas matapos isilang ko ang napakagandang bata na pinangalanan kong Ezra.

Sa araw na ito ay ipinagdidiriwang namin ang pasasalamat sa ikadalawang buwan ng aking anak sa mundong ibabaw. Simple lang ang ginawa namin dahil may ubo pa ang aking anak.

received_440416514779976.jpeg

Nagkaroon kami ng simpleng pictorial kasama ang kanyang lolo at lola, pati na ang kanyang tiyahin na kapatid ko. Ang kanyang ama naman ay maagang umalis papuntang trabaho. Ang ama niya ang nagpupuyat kagabi dahil masama ang pakiramdam ko.

received_2202383736601983.jpeg

Bago pa siya bihisan ay pinainom muna siya ng gatas ng kanyang lolo. Sa totoo lang, malaki ang pasasalamat ko sa mga magulang ko dahil sila ang tumutulong sa amin mag asawa para alagaan ang aming anak. Habang ang aking ina naman ang siyang pumili ng kanyang isinusoot sa pictorial ni Ezra.

Pinilit ko talagang makaluto ng putocheese para gawing numero sa gilid niya para sa pictorial. Ang paggamit ng putocheese sa pictorial ay nagpapaalala sa akin na habang binubuntis ko siya ay nakahiligan kong lutuin ang putocheese.
Kung noong nakaraang buwan ay nagluluto kami ng humba, ngayon ay ipinaluluto ko sa aking ama ang spaghetti, ito ang aking madalas hinahanap at kinakain noon nagbubuntis pa lang ako.

received_3342734669339023.jpeg

Nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal dahil unti unti ng lumalaki ang aking anak. Kahit na may kunting ubo siya ngayon ay masasabi ko na ipinagpala kami dahil malusog ang aming anak. Iyakin man siya ngayon, dalangin ko na unti unting hihinahon siya at tatagal ay magiging kalmado na.

InCollage_20220823_144014828.jpg

Ito na nga pala ang naipon kong mga larawan. Tinipon ko upang makita ang mga pagbabago sa kanyang bawat paglaki.

Dito ko na tinatapos ang aking kuwento. Nawa'y bigyan tayo ng Dios ng masaganang buhay kasama ang ating mga pamilya.

Iniimbitahan ko si;
@sweetspicy
@kyrie1234
@mrs.cuyag
para gumawa din ng diary game.

Sort:  
 2 years ago 

Dalia nidako oi. Parang kailan lang dam.

Hi @jess88

Glad to see your baby's growing so well.

Please note that you are currently not in # club5050.

I've copied two reps in case you need any help.

cc
@juichi @loloy2020

 2 years ago 

Thank you for notifying me, sir. I will contact her in our chat group and give her proper guidance if possible.

 2 years ago 

Thank you for notifying us...we've notify her already..

 2 years ago 

Ok sir. I forgot @steemcurator02. I will do power up now. Thank u for the reminders.

 2 years ago 

Good day sir @steemcurator02 ... I have already power-up and activated #club5050 in my account.
Please check. Thank you and more power.

 2 years ago 

Ansarap makita ang baby na malusog at napaka healthy! surely, need talaga natin ienjoy ang mga times na ganito pa sila ka liit.. cute nung concept na food and ginawang number hehe

StatusRemark
Club status#club5050
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Word Count300+
Plagiarism Free
Delegator
burnsteem25

Based on your account activity today, you are still part of the club5050... Congratulations! Keep it up!

Luzon Mod,
@junebride

 2 years ago 

nagdali dali kog power up mam ui, di man gud nako ma remember akong last power up

 2 years ago 

mao lage maam nabasa nako ang chat ganina hehe

 2 years ago 

Happy two months old baby!

 2 years ago 

Ka wow ni rara oi