PITONG PARAAN UPANG MAKABILI NG KILALANG BRAND NG APPLIANCES SA MABABANG PRESYO
Ang appliances ay mataas ang presyo o mamahalin. Dapat mong alamin kung kelan at saan ka makakabili ng abot kayang appliances. Narito ang pitong bagay na dapat mong malaman.
Ang pagbili ng pambahay na appliances ay isang mahalagang desisyon ng isang maybahay dahil sa ang mga bagay na ito ay mataas ang halaga tulad ng refrigerator, washing machine, at television. Sigurado makakabili ka ng refrigerator sa halagang P20,000 o mas mas mababa pa, ngunit kung nais mo ng mas mataas na kalidad, maraming katangian at mas kilalang brand and presyo ng mga ito ay maaring mas mataas. Sa kabutihang palad, pwede kang makabili ng iyong nais na appliances sa mas murang halaga, at hindi ang mga segundamano ang tinutukoy ko. Narito kung paano!
Narito ang 7 paraan kung paano makabibili ng pangunahing brand ng appliances na may malaking diskwento.
Mamili kapag naka-SALE.
Ang pinakamabuting panahon ng pagbili ng appliances ay kapag merong SALE lalo na tuwing malapit na ang holidays tulad ng panahon ng Disyembre. Maraming mga holiday SALE sa buong taon, kailangan samantalahin mo ito, ngumit kung talagang hindi ka makakahintay ng holiday, magtanong ka sa mga sales personnel para sa diskwento sa araw na yun, baka magulat ka na meron pala. May mga tindahan na may SALE sa iba’t ibang kadahilanan tulad ng kanilang anibersaryo kaya napakainam ang magtanong. Sa mga araw ng SALE makakakuha ka ng magagandang deals at kasama na rito ay ang mataas na diskwento.
Makipagpalit o Trade-in
Kung meron kang lumang appliances tulad ng air conditioner na sa tingin mo ay may halaga pa, dalhin mo ito sa isang trade-in na tindahan. Kung walang kang alam na tumatanggap nito, magtanong ka sa mga appliance dealer kung saan pwede ito. Mayroong mga tindahan ng appliances na tumatanggap ng mga used/gamit ng appliances, bilang paunang bayad para sa bagong appliances. Sa pamamagitan nito magkakaroon ka ng mas bagong appliances na hindi ka nagbayad ng buong presyo nito.
Bilhin mo yung modelo ng nakalipas na taon
Tulad ng kahit na anong appliances, ang presyo ng bagong modelo nito ay mataas sa unang labas nito. Makakukuha ka ng mas mabuting deal kung maghihintay ka ng mahaba-haba dahil ang appliances ay bumababa ang presyo sa paglipas ng mga buwan o kaya kapag may mas bago ng modelong lumabas. Ang mga tindahan ay nangangailangan ng paglalagyan para sa mga bagong modelo at pinaka-magandang paraan upang mabawasan ang mga lumang modelo ay bawasan ang pesyo nito o i-sale ito. Pangkaraniwang dumarating ang mga bagong modelo sa buwan ng Agusto, Setyembre at Oktubre kaya puntahan mo ang mga tindahan sa ganitong buwan.
Isaalang-alang mo ang mga modelong nakadisplay.
Alam ninyo bang makabibili kayo ng modelong nakadisplay sa mababang halaga? Kung hindi ka naman maselan sa wala ng maayos na lalagyan o kahon, na makakakuha ka naman ng magandang diskwento, ay mas mainam ito. Ang mga display ay gumagana naman ng maayos at meron namang warranty tulad ng nasa kahon. Ang kaibahan lang malamang ay iuuwi mo sya ng walang kahon. Sa ganitong paraan ay makatitipid ka, kailangan mo lang ingatan ito sa pagbibyahe.
Pumunta sa “Dent and Scratchi” section ng tindahan.
Ito ang lugar sa isang tindahan na may mga nakabagsak-presyo ngunit wala kang dapat ipag-alala sa mga appliances na ito. Wala silang sira maliban sa pagkakaroon ng mga gasgas at yupi. Ang mga ito ay makinis, hindi gamit, 100% gumagana at may warranty. Upang makasiguro ipatesting mo muna sa tindero yung binibili mob ago mo ito bayaran.
Bumili ng katamtaman ang laki.
Alamin ang iyong talagang pangangailangan bago ka pumili ng appliances na bibilhin. Kung nararapat lang ang maliit nito sa iyong kailangan, yon lang ang iyong kunin. Sa pamamagitan nito ay malaki ang matitipid mo dahil karaniwan ng mahal ang mas malalaking appliances
Magkumpara ng presyo
Ang pagbisita sa iba’t ibang tindahan bago bumili ng appliance ay makapagbibigay sa’yo ng pagkakataon na ikumpara ang presyo upang malaman mo kung gaano kalaki ang iyong matitipid. Anong mararamdaman mo kung nakabili ka ng appliances at nalaman mo na ito ay ibinebenta sa ibang tindahan ng kalahati lang ang presyo? Ang iba’t-ibang tindahan ay nagbibigay ng iba’t ibang presyo o diskwento. Ang iba ay nagbibigay ng mas murang presyo, na naka-sale, o kaya may mga freebies na ibinibigay. Makabubuti rin na bumisita sa mga online store sa iyong paghahanap dahil meron din silang ibinibigay na magagandang deals.
Maging matalinong mamimili kapag ninanais mong mgkaroon ng appliances. Ang mga ito ay malalaki at may kamahalan, ang makatipid sa mga ito habang nakakakuha ng mataas na kalidad nito ay malaking tulong at nakakapagpagaan ng loob.
Sana ay nakatulong ang mga paraang ito upang makabili ka ng sulit na appliances. Salamat po sa pagdalaw sa aking website.
This blog is also posted on my website, Aplyanses and Hive
The video is uploaded to my Youtube
image and video clips from pexels.com
YOUTBE | WEBSITE | LINKS | 3speak | ||
---|---|---|---|---|---|
YouTube | Aplyanses | MY LINKS | 3speak |