Mga Kudlit sa Baybayin

in #baybayin6 years ago (edited)

Ang kudlit sa Baybayin ay isang marka na inilalagay sa itaas o sa ibaba ng mga katinig upang mapalitan ang kasamang patinig "A" ng mga patinig E/I o O/U.


Ang kudlit na inilagay sa itaas ng katinig ay nag-aalis sa kasamang patinig "A" kaya ang basa rito'y katinig na may patinig E/I. Ang kudlit sa ibaba ng katinig ay nag-aalis din sa kasamang patinig "A" kaya ang basa rito'y katinig na may patinig O/U.

MGA ANYO AT POSISYON NG MGA KUDLIT

Sa aklat na Doctrina Christiana(1593) ay mapapansin ang Baybayin na may pakurbang kudlit sa itaas ng mga katinig at ilang gatuldok na kudlit sa ibaba ng mga katinig nito.

Halimbawa:



Nakasulat: "A[ng] ati[ng] Panginoo[ng] Sesu-K[r]i[s]to"

Sa 1635 dokumento tungkol sa lupa na ipanakita ng Unibersidad ng Santo Tomas ay may mga kudlit na anyong pahilis sa itaas o ibaba ng mga katinig sa Baybayin nito.

Halimbawa:



Nakasulat: "Ako nabili na[ng] lupa"

Sa aklat na Barangay: Sixteenth-century Philippine Culture and Society ni William Henry Scott ay may pag-aaral tungkol din sa Baybayin. Sa kanyang halimbawa mula sa Gobernador Heneral na si Pascual Enrile (1835), mapapansin ang paggamit ng gatuldok na kudlit, hindi sa itaas o ibaba, kundi sa tabi ng mga katinig.

Halimbawa:



Nakasulat: "Lalaki[ng] Naga Dakila"

PAGSUSURI

Ang mga kudlit ay may mga anyong tuldok, pakurba, o pahilis. Maaaring gamitin ang mga tuldok, kurba, o pahilis bilang mga kudlit sa pagpapalit ng kasamang patinig "A" ng mga katinig para maging patinig E/I o O/U ang kasama nito .

Sa posisyon naman ng kudlit sa mga katinig ay mas ginagamit ang itaas o ibaba kaysa sa tabi nito.

Pansinin ang ginamit na kudlit para sa "Ki" o "Ko/Ku" sa halimbawa ni Gob. Hen. Pascual Enrile:


Sa paliwanag ni William Henry Scott, ang nakasulat: "Lalaki Naga Dakola"

Mukhang magpakaparehong "Ki naman ang ginamit:


Ang "dacola" [dakola] ay salitang Bikolano na ang ibig sabihin ay "malaki" sa Tagalog. Ang "dakila" sa Tagalog ay katumbas ng "dakola" sa Bikolano.

Para sa paglilinaw, ang aming basa sa nakasulat ay "Lalaki[ng] Naga Dakila" sapagkat ang gumamit ay maaaring taga-Naga sa Camarines.

Dahil sa kalituhan sa paliwanag ni William Henry Scott tungkol sa halimbawa ni Gob. Hen. Pascual Enrile ay hinihikayat namin ang mga Mambabaybay o Baybayinista na gamitin ang itaas at ibaba na posisyon para sa pagpapalit ng patinig "A" para sa kudlit ng mga katinig.


Sumali sa aming diskusyon sa Facebook:

Baybayin Foundry
BAYBAYIN: B17 Ang Tunay na Baybayin
Sulong Baybayin Abril 21 #SBA21

Sulong Baybayin!
Mabuhay ang Baybayinista!

Sort:  

Ayos!

Sa halimbawa ng "Lalaking Dakila", hindi kaya nagkamaliang sumulat nito?

Bakit kaya na ga ang ginamit niya?

@apulakansiklab, maaaring nangyari dahil sa posisyon ng kudlit. Mas madaling maunawaan ang paggamit ng "Na Ga" kung ito'y tumutukoy sa "Naga" sa Camarines, kaya ang basa ay "Lalaki[ng] Naga Dakila" ayon sa ipinapahiwatig sa konteksto ng pangungusap. Salamat po sa muling pagbisita.

Congratulations @baybayin! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You got your First payout

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard:

SteemitBoard - Witness Update

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!