Announcement of Winners(Contest#6) and New Theme(Contest#7) - Literaturang Filipino, Maikling Kuwento

in #cebu7 years ago

SteemPH_Cebu.png

Ang @steemph.cebu ay kabilang sa proyektong itinatag ng @sndbox, ang "proyektong sndcastle". Bilang isang sndcastle, gusto ng @steemph.cebu na gumawa ng mga uri ng paligsahan o patimpalak kung saan maipapakita ng mga Pilipinong Steemian ang kanilang kakayahan sa pagsulat ng kahit anong klase ng literatura. Ito rin ay isang paraan para magkaroon ng interaksyon ang mga Pilipino sa isa't isa. Hinihikayat namin ang lahat na Pilipinong Steemian na lumahok sa mga paligsahang bubuohin namin sa Steemit. Ito ay para sa inyo! Palawakin ang Wikang Filipino!

Kami ay lubos na nagagalak dahil sa pinakitang dedikasyon ng mga Pilipinong sumali sa aming patimpalak. Naipakita ninyo ang inyong angking galing sa matalinghagang pagsulat at ang inyong pagkamalikhain sa temang binigay at uri ng sulatin.

Hindi man gaano karami ang nagsumite ng kanilang mga gawa, lubos parin ang aming tuwa dahil may mga Pilipinong gustong matuto ng ibang gawain at magkaroon ng ibang paraan para makuha ng biyaya sa steemit. Asahan niyong tuloy-tuloy ang aming mga proyektong gustong ipamahagi sa mga Pilipino.

Kaya ito na ang mga mapapalad na napili at mananalo ng karagpatang gantimpala


Literaturang Filipino | "Sugat ng Kahapon"

Ako si trina labing dalawang taon na ang nagdaan, pitong taong gulang palang ako noon. Matagal na panahon na ang lumipas, pero ang sugat sa puso ko dahil sa pangyayari andito pa din, naka-ukit pa din sa aking puso hanggang ngayon.

  • 2nd place - Gawa ni @julie26 na makakatanggap ng 3 SBD

Literaturang Filipino: Paglaya sa Matagal na Kapaitan

Habang naglalaba si Amelya sa kanilang likod bahay, naulinigan niyang may pumasok sa kanilang bahay. Kaya dali-dali siyang tumayo upang pumasok sa kanilang bahay at alamin kung sino ang naroon. At nasumpungan niya sa kusina ang kanyang asawa na si Anselmo na lango nanaman sa alak ang pumasok sa kanilng bahay. Naghahanap ito ng makakain...

Literaturang-Filipino: Karahasan Sa Kalikasan

Nabalot ng kasakiman at kapabayaan ang mga taong naninirahan sa bayan ng Olongapo. Walang humpay nilang pinutol ang mga punong-kahoy sa kanilang lugar, patuloy ang pagtapon ng basura sa ilog at paggamit ng dinamita sa pangingisda.


Congratulations sa inyo at Maraming Salamat!


Sa mga hindi pinalad na manalo, maraming salamat dahil naging parte kayo sa paligsahan at naipakita niyo ang angkin ninyong galing sa pagsulat ng wikang Filipino. Naway mapaunlad pa ninyo ang inyong kakayahan sa pagsulat at sumali ng sumali sa mga magaganap pang patimpalak hanggang manalo na.

Narito ang Bagong Patimpalak


Ano ang isusulat?

  • Maikling Kuwento

Kuwento na maaaring totoo o fiction lamang. Hindi dapat lalagpas sa 500 na salita at hindi bababa sa 300.


Tema ng Maikling Kuwento

  • Kababalaghan

Ito ay mga kuwentong nagpapahayag ng mga kababalaghang nangyari sa buhay ng may akda. Maaari ring tungkol sa isang bagay na fiction o hindi-fiction na kaugnay sa kababalaghan na tema ng paligsahan.


Mga Alituntunin na dapat sundin sa pagsali

  • I-resteem at i-upvote itong post.
  • Ang gawang literatura ay dapat isulat sa wikang Filipino
  • Gamitin ang tag na #literaturang-filipino at #kababalaghan
  • Ilagay sa pamagat ang: "Literaturang Filipino"
  • Gumawa lang ng isang nilalaman o gawa.
  • Ilathala ang gaw sa loob ng 6 na araw pagkatapos malathala ang anunsyo.

Higit sa lahat, Sundin ang mga alituntunin sa pagsali!


Pagbabasehan ng Mananalo

Ang pagbabasehan ng mananalong gawa ay:

  • Dami ng mga salita o pangungusap o parilalang ginamit.
  • Ganda ng pagkagawa
  • Kaugnayan sa Tema o Paksa at
  • Dami ng boto galing sa ibang Pilipino

Gantimpala

May tatlong mananalo sa paligsahan:

  • 1st - Makatatanggap ng 5 SBD
  • 2nd - Makatatanggap ng 3 SBD
  • 3rd - Makatatanggap ng 2 SBD

Layunin ng @steemph.cebu na maibuklod ang kumunindad ng mga Pilipino sa buong Steemit. Suportahan ang @steemph.cebu at ang @sndbox.

Gumawa, Magsumite at Manalo


follow_steemph.cebu.gif

Sort:  
Good day @steemph.cebu! Maraming salamat po sa napakaganda ninyong patimpalak para sa amin! Ito po ay labis naming ikinagagalak na makilahok sa paligsahang katulad nito. God bless po!

Narito po ang aking entry:Literaturang-Filipino: "Ingkubo",maraming salamat!

Maraming maraming salamat po steemph.cebu 😊 hindi ko akalain na pag uwi ko galing supermarket ito agad ang balita sakin sobrang natutuwa po ako.. maraming salamat din sa mga kaibigan ko na andyan para palakasin ang loob ko na kaya ko din mag sulat gaya nila, thank you ng marami kilala nyo na po kung sino kayo 😘😘😘😘

hahah! i told you! 😂😂😂

Congrats Madam ^_^

Congrats din sau madam juls

congrats sa mga nanalo na galing sa Steemph.antipolo ..

Congratulations sa lahat ng mga nagwagi! Nagbabalak po akong sumali sa bagong patimpalak.

Sa lahat ng nagwagi sa patimpalak na ito ipinapahayag ko ang aking paghanga . Sana ating pairalin ang ating pagka-pilipino
Mabuhay..!!

Magandang Araw po! Ito po ang aking entry sa patimpalak

Literaturang-Filipino: Kababalaghan sa Pagmamahalan

congrats sa mga taga Steemph.antipolo na sina @ailyndelmonte at @julie26.

maaari po ba na magpost ng naipost ng kwento?

Thank you ateng isa ka sa nag palakas ng loob ko 😘

ipagpatuloy mo na ito

nasasabik ako magbasa ng mga magiging kwento mo pa

Maraming salamat @beyonddisabilty! Nawa'y masundan pa ang pagkapanalo ^_^

Haha salamat ateng dahil sayo na pupush ako ih 😘

Entry ko po ito. Sana ay magustuhan ninyo ito. Tapos na po akong nag upvote at nag resteem.

https://steemit.com/literaturang-filipino/@googled/literaturang-filipino-ang-pagkabuhay-ng-patay