"Pangarap Kong Hinaharap", A Filipino Poetry

in #filipino-poetry7 years ago

"Pangarap Kong Hinaharap"

Unti-unti ng natutupad mga pangarap
Akala ko noon ang buhay ay masarap
Na dadating lang sa'yong harapan
Mga biyayang hiniling sa Maykapal

Isa ka na sa mga biyayang dumating
Maaga mang naging tayo'y nagka-ibigan
'Di ko pinalagpas , 'di pinagsisihan
'Pagkat minsan lang ang pagkakataon

Pangarap ko na tayo'y magkasama
Sa iisang bubuong tayo'y nagkakaisa
Laban man sa atin ang mundo
Dahil nga sa katayuan ko bilang tao

Sana'y matanggap ako nila
Bilang parte ng 'yong pamilya
Matanggap nila na tayo'y nagmamahalan
Dahil gagawin ko lahat para tayo'y magkatuluyan

Sa susunod na naman mga ka Steemian.Sana'y na gustuhan ninyo ang gawa ko. Maraming Salamat !

Photocredits 1 2

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by carpieeew being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.