FILIPINO POETRY #29 : " PINAASA LAMANG PALA "

in #filipino-poetry7 years ago


PINAASA.jpg




Sa umpisa palang nahulog na sayo
At sa pagdaan ng panahon ay nahumaling na nga ako
Di akalain na tuluyang mabibihag mo
Pagkat di inakala na magmamahal muli yaring puso


Dumaan ang araw at lumalim pa nga ito
Napagtanto ko na lamang nanliligaw na sayo
Libong saya ang nadama ko
Ng panliligaw ay pinayagan mo


Hatid sundo ang ligaw ng puso
Di alintana gaano man kalayo
Tsokolate't rosas ang aking pagsuyo
Kaya pag-ibig sayo'y di isusuko
Bumilang man ng taon yaring pagsuyo
Maghihintay pagkat mahal ka ng puso


Subalit nagulat na lamang isang araw
Na ang lahat ay nabigyan ng linaw
Nasilayan ka sa dakong malayo at natanaw
Kasama mo'y iba at kapwa kayo'y masaya


Ipinagtapat sa akin ang iyong damdamin
Ang tulad nya pala ang nais mong mahalin
Di kayang ibigay ang iyong puso sa akin
Kaya sa huli ikaw ay di rin pwedeng maangkin


Lungkot na lamang ang nadama ng puso
Pagkat umasa lamang sa isang pangako
Pinaasa mo lamang ang tulad ko
At iniwan sa matinding siphayo




border.png



HANGGANG SA MULI!!!





INYONG NAIBIGAN.png




cejero021.png

Sort:  

aw this is one of the saddest na tula mo.. ito ang nafriend zone na tula hehe.

nainspire lang bro kaso malungkot kinahinatnan e.. haha

You just received a Tier 0 upvote! Looking for bigger rewards? Click here and learn how to get them or visit us on Discord

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by cejero021 from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.