FILIPINO POETRY: 'Simula'
Simula sa isang maliit at payak na kwarto,
Sa kung saan ang pag-asa'y halos hindi matagpuan
Isang kristal na pangarap ang nabuo
At ako'y naghangad ng malaking pagbabago.
Batid kong hindi magiging madali ang lahat
Kaya araw at gabi'y sa Diyos ako humaharap.
Lakas at puso lamang ang aking puhunan
Wari'y sapat na 'to upang tahakin ang baku-bako at batu-batong daan.
Tila sala sa init sala sa lamig lamang ang eksena,
Bahala na kung mali ang aking simula,
Basta kumikilos ang mga paa
At natututo sa bawat hakbang.
Pilit, oo, sapilitan kong pupuwersahin ang katawan
Sa mga pagkakataong ayaw na nitong sundin ang aking isipan.
Kikilos at kikilos hanggang sa dulo
Dahil sa dulo lamang, ang tunay na saya'y natatagpuan.
Congratulations @jazzw! You received a personal award!
You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking
Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!