"Ang Tatay Kong Seaman"||Tula
Ni @mayennaise
Alay sa aking amang sinupil ang kahirapan,
Upang pamilya namin ay matustusan.
Sariling bansa ay nilisan,
At tinaguriang bayani sa sariling bayan.
Ngunit pagkasuklam sa iyo ay hindi naramdaman.
Dahil malayo ka man sa aking piling,
Pagmamahal at pag-aruga mo parin ang aking hiling.
Naglakbay ka sa malayong dapit,
Hindi inalintana ang naranasang pait,
Ngiti ng iyong pamilya'y walang kapalit
At nagbibigay lakas sa iyo ang larawang natira,
Sa iyong luma at kupas na kartera.
Mga pangaral mo noong kahapon,
Ay nasa puso't aking baon baon.
Sa pag-aaral ako ay nagpursige,
Upang diploma'y maging regalo ko sa iyong pag-uwi.
Dahil buhay na bayani ay aking nasilayan.
Daig lahat ng hamon sa buhay,
Pambihirang kagitingan ang taglay.
Sa pagtatapos nitong akong tulang alay,
Nais ko lang sambiting mga salitang tunay,
Mahal na mahal po kita at Maligayang araw ng mga Tatay.
Ito ay sariling akdang naisulat ko, alay sa lahat ng mga tatay sa ibang bansa. Maligayang araw ng mga Ama at saludo kami sa inyong mga kagitingan.Nais kong pasalamatan si @tagalogtrail at @bestofph sa walang sawang pagsuporta sa sariling atin.
Nagmamahal,
Maye