filipino-poetry

IMG_20180620_114721-01.jpeg

"SULAT"

Mahal, kumusta kana.
Ako sayo'y nag-alala na.
Matagal na no'ng umalis ka.
Sana sa mga oras nato malusog ka.

'Pag kasama kita kay bilis ng oras.
Pero ngayong wala ka antagal ng bukas.
Nagsimula na akong malungkot na wala ka.
At iniisip sa oras nato andito ka.

May pinadala akong sulat sayo.
Saan kamang lupalop ng mundo.
Sana'y makuha ito at mabasa mo.
Para alam mong naghihintay ako sayo.

'Wag ka sana sa akin ay mabahala.
Kahit nahihirapan ay humihinga pa.
Umalis ka para sa ating mga pangarap.
Sabi ko nman sayo basta't magkasama tayo lahat ay masarap.

Ngunit mahal kay tagal ng 'di ka umuwi.
Inaantay kita sa pintoan lagi.
Kaya t'wing may mga hakbang na tunog ng tsinelas.
Dali-dali akong pumupunta sa labas.

Patawad at 'di ko na mahintay ang pag balik mo.
Nagdesisyon na akong sumama kay Lando.
Basahin muna lang ang sulat ko sa bote.
Malalaman mo ang dahilan kung bakit ko sya pinili.

IMG_20180620_114824.jpg

Salamat sa pagbasa.

Sort:  

sino si Lando kabayan? haha pero ang galing!

haha ganoon ba, salamat at nagustohan mo..basahin mo yong unang entry ko ng teardrops at baka mapaluha ka talaga.haha anyway tnx for reading.

alam mo ba kabayan na sadya kong ginawa ang bote na yan para kunan ng larawan. haha effort talaga eh no.haha

Alam ko kabayan. Hahaha!