BUHAY SA BOTE

in #filipino-poetry7 years ago


bottle.jpg

PHOTO CREDITS:

Nakakatuwa talagang pagmasdan
Ang mga kapwa ko batang naghahabulan
Umaakyat sa mga puno at namimitas ng mga halaman
Naisip ko tuloy ano kaya ang kanilang pakiramdam?

Sina ate at kuya nasa sala na naman
Si kuyaý may hawak na gitara tiyak magkakantahan
Sa ganda ng boses ni ate animo’y isang ibon
Ay teka lang mali, di pa pala ako nakakita nun

Nandito na si tatay lasing na naman
Lagot na naman mga kapatid ko, mapagbubuntungan
Ng kanyang galit na di malaman ang kadahilanan
Abala pa naman si nanay, nandun sa sugalan

Lola pahinga ka na dahil ikaw ay pagod
Maghapon kang naglalabada at masakit ang likod
Buong araw ka sa trabaho at kumakayod
Hayaan mong ikaw ay aking ipagmasahe ng mawala ang pagod

Ay oo nga pala hindi pala pepwede
Kahit anong gawin ko, talagang di maaari
Upang kayo ay aliwin, at pati na rin ang magsilbi
Kung di lang sana ako nakakulong dito sa bote

SALAMAT SA PANAHON AT PAGBASA SANAY INYONG NAGUSTUHAN AT NAUNAWAAN ANG NAIS KONG MAIPABATID

WAG PONG KALIMUTAN:
To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses or simply click Here to do it on one click!
If you want me to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy

LOGODAVAO.png

Sort:  


thanks for posting steemitdavao tags,

Upvoted and resteem your post

From your steemitdavao family

steemitdavao bot.png

This post has received a 0.44% upvote from thanks to: @mryuss.
For more information, click here!!!!

Try the new Minnowhelper Bots for more information here

Do you know, you can also earn passive income after every bidding round simply by delegating your Steem Power to @minnowhelper?
you can delegate by clicking following links: 10 SP, 100 SP, 500 SP, 1000 SP or Another amount

Help support @minnowhelper and the bot tracker by voting for @yabapmatt for Steem witness! To vote, click the button below or go to https://steemit.com/~witnesses and find @yabapmatt in the list and click the upvote icon. Thank you.

Voting for @yabapmatt

Maganda po ang tugma at ang mensahe ng akda mararamdaman ang pagmamahal. Ngunit may tanong lang po ako, sa huling linya

Ay oo nga pala hindi pala pepwede
Kahit anong gawin ko, talagang di maaari
Upang kayo ay aliwin, at pati na rin ang magsilbi
Kung di lang sana ako nakakulong dito sa bote

Ano po ang ibig sabihin ng naka kulong sa bote? Naglalaro sa isip ko kagabi pa kung patay na ba ang karakter o kaya naman isa siyang alaga na nakalagay sa bote.

Salamat po sa magiging paliwanag.

bali ganito po yan sir, isang bata ang nasa bote, wala nang buhay. ang nasa isipan ko ang isinulat ko na wariý kung ano ang nakikita nung bata sa kanyang pamilya at iniakma ko po ang sitwasyon para maipaliwanag din kung bakit siya nasa bote.

Sabi na! Salamat sa paglilinaw grabe hindi ako nakatulog ng kaunti sa pag iisip nyan hahahaha.

Ang galing sir!

hahaha,, pasensya na po at naging dahilan pa ang isinulat ko sa iyong pagkalito at hindi naging kompleto ang iyong pagtulog,,, pero gayun paman salamat na rin sa iyong pag tangkilik sa aking gawa :)

Hahahha di kita mapapatawad 😂 kailangan mong magbayad ng isang bagong tula bago kita patawarin.

hahaha cge po mag iisip na naman po ako kung anong magiging paksa ng susunod kong isusulat :),,, maraming salamat po :)

Hahah pag wala kang maisip isulat may patimpalak ako na Biglaang Kolaborasyon 😂. Sayang di na magagamit itong tula mo pero gusto ko syang gamitin din nung una hahaha. Malapit na kasi ang pay-out nya. Tsk!

Sympre ayaw ko naman na ako lang ang sumakit ang ulo dapat sila ring sasali hahahahah.

Aasahan ko ang iyong bagong likha @mryuss!