The Diary Game Season 3 (12-19-2020) | Ang Pagpapaligo Ko Sa Aking Mga Alagang Aso 🐕

in Steem SEA4 years ago

Magandang Buhay sa Ating Lahat!!!

Ngayong nga ay sabado at araw upang makapag pahinga para sa karamihan at marahil araw din ito nang paglalaba nang mga nagamit na damit.

Pero para sa akin ay, parang magkaparihas lang din sa mga araw mula lunes hanggang biyernes, maliban lamang lang ang araw na linngo kung saan ito ay ang araw para sa Dios. Ngayong araw din ang araw na kung saan pinapaligoan ko ang aking mga aso.

20201221_202221.jpg

Sa karaniwan kong ginagawa sa araw araw ay ako talaga ang tagapag luto nang aming pagkain kaya maaga talaga akong gumigising. Parang nasanay na rin talaga ang aking katawan na magigising sa mga oras na 4:00 nang umaga at yon na oras nga ako nagising sa araw na ito.

IMG_20201220_064307~2.jpg

Pagkagising ko nga ay agad akong nagpasalamat sa Dios dahil sa walang kupas niyang pag-aalaga sa akin sa aking buong pamilya. Pagkatapos kong magpasalamat sa Dios ay bumangon na din ako para mag luto na, siguro nasa mga 4:20 nang umaga n iyon.

Para sa araw nga na ito ay isang masarap at isa sa pinaka paborito kong ulam at marahil ay maraming mga Filipino ang nakakilala nito, ito ay ang "Escabechi". Ito ay ay piniritong isda na nilagyan nang Sauce na masarap. Para sa pagluluto nito ay dapat mo munang pritohin ang kahit na anong isda ang meron ka, pagkatapos ma prito ay gisahin na ang luya, sibuyas at bawang, hintayin na medyo mag golden brown ito, tapos ilunod na ang isda na pinirito at ilagay din ang gunawang sauce. Ang sauce na nilagay namin ay gawa nang aking ina at siya lamang ang nakakaaalam sa sanggap, ginawa na niya ito at ako lang ang magluluto. Hintayin lamang ito na medyo mag sticky na ang sauce at sa wakas ay luto na at pwede nang ulamin. Para sa akin ito talaga ang pinakamasarap na bersyon nito na ang suace ay gawa nang aking ina. Pagkatapos ngang maluto ay kumain na rin kami agad agad para mainit pa ito pagka kain, mas masarap kasi kapag mainit pa ito.

Natapos kami sa aming agahan nang mga 7:50 na nang umaga at pagkatapos naming kumain ay binigyan ko na rin ang iba ko pang mga alaga, mga manok ko, mga aso at mga pusa at para na rin makapag handa sa iba ko pang mga gawain.

20201221_200806.jpg


20201221_200711.jpg

Dahil nga sa sabado ngayon, hindi muna ako pupunta sa aking munting sakahan dahil ang gagawin ko ngayon ay papaligoan ko muna ang aking mga alagang aso na sina Racky at Bem-Bem. Ang una kong pinaligoan ay si Bem-Bem at dahil nga sa hindi ito gaanong naliligo si Bem-Bem, noong una ay sobrang ingay at likot niya pero noong katagalan ay tumahimik na ito ay hindi na malikot. Pagkatapos na makaligo si Bem-Bem ay kasunod naman si Racky na kung saan meron pa siyang sugat dulot nang pagkaka desgrasya niya mga mahigit sa 2 buwan na ang nakalipas pero laging pasasalamat ko sa Dios dahil makikita talaga natin na magaling na siya at ang kanyang sugat ay malapit nang maghilom. Mahigit dalawang buwan na rin na hindi nakaligo si Racky mula noong na desgrasia siya kaya parang nababagohan siya kaya sobrang likot niya pero sa katagalan ay naging mahinahon naman siya. Parang kailangan na rin din na makaligo si Racky kasi, sa katagalan na hindi siya nakaligo ay medyo meron amoy na siya at makakatulong din naman siguro ang pagkaligo sa kanya para mabilis na maghilom ang sugat niya.

At sa wakas nga ay nakaligo na rin si Racky at Bem-Bem, ang linis na nilang tignan at ang bango pa. Mula naman noong nakaligo si Racky ay parang naging mas maliksi ito at malakas na kasi noong una ay parang matamlay siya pero ngayon, ang lakas na niya kasi kapag maglalakad lakad kami sa labas ay halos madala na niya ako, kaya mabuti nalang at napaligoan ko siya pero sisiguraduhin ko din na hindi ko siya palagiang paliguan at baka makasama pa sa kanya.

Sa kabuoan ay naging maganda ay araw ko dahil sa wakas nakaligo na rin ang aso kong si Racky at talang magaling na siya. Buong maghapon naman ay nasa bahay lang ako, nanunuod nang telebesyon habang nakikipag laro sa aking mga aso.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw uli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Sort:  

that beautiful dogs were very clean and beautiful I loved the message praise God.

 4 years ago 

Thank you very much for dropping by.