STEEMFOODS /My Grandmothers's Recipe//15-5-2021 @sweetmaui01

in SteemFoods4 years ago (edited)

Hello everyone! . I hope you are always safe, healthy and protected these days of pandemic. Its good to be here at Steemfoods Community.
And for my recipe today, allow me to share it in Filipino language. And one of this days I will also share this in English language.

IMG_20210514_225902.jpg

Ipinakikilala ko po ang paboritong pagkain naming mga Pinoy.
Ang pansit. Ito ay makikita at nagbibigay saya sa bawat pagdiriwang ng mga Pilipino. Pasko, pista , kaarawan , kasalan, pagtitipon . Ito ay napakaraming bersyon. At ito ay kilala na sa buong mundo. Pero paano nga ba gumawa ng masarap na pansit?
Yung pansit na hindi mo malilimutan ang lasa at iyong hahanap hanapin?
Kaya ngayong araw na ito ay magluluto ako ng pansit ng Cebu na tinuro pa ng mahal kong lola .

photocollage_2021515135127302.jpg

Ano nga ba ang mga sangkap ng pansit ng lola ko?
Ito ang mga sangkap;

1/2 kilo sotanghon
1/2 kilo pancit canton
1/4 kilong karne in cubes na maliliit
1/4 kilo hipon na binalatan
1/4 kilo pusit (opsyonal)
1 piraso karot in strips
1/2 sayote in strips
1 pirasong sili (bell pepper)
1 piraso sibuyas hiniwa
1 piraso bawang dinikdik
1 tasang patis
1 kutsarang asin
2 pirasong seasoning cubes shrimp flavor

Paraan ng pagluluto
Ito ay naaayon sa aking pagluluto

  1. Igisa sa mantika ang hiniwang bawang na dinikdik kasama ng hiniwang sibuyas
  2. Igisa ang karne kasama ng sibuyas at bawang . Isama ang binalatang hipon at pusit.
    3.Ilagay ang dalawang shrimp cubes at lagyan ng dalawang tatlong tasang tubig kapag luto na ang karne.
  3. Ilagay ang 1/2 tasang patis
  4. Lagyan ng asin at ibalanse ang lasa .
  5. Pag luto na ang karne at balanse na ang lasa ilagay ang sotanghon
  6. Pag medyo malambot na ang sotanghon . Hindi masyadong malambot ilagay ang pancit canton at haluin itong mabuti. Huwag lagyan ng maraming tubig para hindi malugaw.
  7. Ilagay ang sayote, karots , sili at repolyo. At haluin na naman .
  8. Kunin sa apoy pagkatapos tikman ang lasa.
    Puwede ring pigaan ng 2 - 3 pirasong kalamansi.

Ang aking niluto ay walang pusit dahil wala akong nakita sa palengke . Puwede rin ang karne ng manok at atay na panghalo sa pansit. Ang iba ay nilalagyan ng hiniwang fishbol at tempura.
Dahil sa napakaraming bersyon ng pansit . Ang pinakamasarap ay yung lutong may pagmamahal.
Gaano man kasimple ang pagkain pag pinagsaluhan ng masaya ito ay may magandang kahulugan . At bawat pagsasama ng pamilya ay napakahalaga.

IMG20210515063334.jpg

Salamat po Steemit at Steemfoods
@sweetmaui01
https://steemit.com/hive-172186/@sweetmaui01/achievement-1-on-steemit-a-new-goal

Sort:  
 4 years ago 

im sure its delicious @sweetmaui01

Hello @sweetmaui01

Thank you for sharing your recipe here in #steemfoods

It's better if you take a picture on step by steps procedure.

I encourage you also to join our verification program check yhe link below.

SteemFoods User Verification System Continues ! | 10th Weeek : 1124+ Verified Accounts |

Thank you for the advice , salamat po

Always welcome po!

ItI just opened the link, and I am learning a lot more, now i know the do's and dont's and more of it, thank you po,

Sir @bien i would like to ask if i am allowed to post in steemfoods everyday, or how many posts in steemit are allowed in a day ,

Yes you can always post in steemfoods one post per day only

Thank you po,

It's my pleasure.

sa picture pa lang... masarap na! :)