THE DIARY GAME SEASON 3: (APRIL 28, 2022) PAGPUNTA KO SA LAUNDRY SHOP
Hello Steemit Philippines!
🎽🎽🎽🎽🥋🥋🥋🥋🎽🎽🎽🎽🥋🥋🥋🥋
Kumusta po kayo? Hayaan niyo akong ibahagi sa inyo ang aking unang karanasan sa laundry shop.
Maagang akong nagtungo sa laundry shop dahil kinakailangan kung ipa laundry muna ang aming mga damit. Hindi pa kasi ako pwedeng makagamit sa aking lugar na labahan sa bahay namin. Ni renovate kasi ng asawa ko ang aming bahay kaya hindi muna ako pwedeng doon maglaba. Pansamantala sa laundry shop muna ako. Mga isang kilometro ang layo ng laundry shop mula dito sa bahay namin. Pagkarating ko doon ay tamang-tama may isang washing machine na wala pang gumagamit. Apat lang ang kanilang machine doon sa laundry shop na pinuntahan ko. Bago pa lang kasi sila kaya apat pa ang kanilang washing machine.
SA LAUNDRY SHOP
Naninibago ako kaya nagpaturo ako sa may-ari at salamat nakuha ko naman agad ang mga instruction niya. Una, ay naglagay muna ako ng tubig sa machine. Tapos inilagay ang mga sabon at isinunod naman yong mga damit. At maghintay kung hanggang kailan eto matapos at pwedeng kunin. Napakadali lang at hindi pa ako masyadong na stress. Sa bahay kapag naglalaba ako ng ganito ka rami ay aabot ako hanggang hapon. Kamay kasi gamit. Samantalang dito sa laundry shop, 30 minutes pa lang ay tapos na ako. At isa pa kaunti na lang ang kulang at tuyo na ang mga damit kasi may drier. Sa halagang 2 steem ay natapos ng ganoon kadali ang aking mga labahin. Pagkatapos ng 30 minutos ay kinuha ko na ang mga damit sa washing machine at inilagay ulit sa aking mga bag. Pagkarating sa bahay ay agad ko na itong sinampay.
Ang mga bagay na noon ay akala nating mahirap gawin mas pinadali na na ng mga teknolohiya ngayon. Ngunit minsan kinailangan din nating balikan iyon para mayroon tayong matutunan. Ipinagpasalamat ko na mas una kong natututunan ng maglaba gamit ang mga kamay dahil paano kung walang kuryente or black out? Paano ko malalabhan ang mga damit kung hindi ako unang natuto maglaba gamit ang kamay.
Hanggang dito na lang po. Maraming salamat po.
Lubos ng gumagalang,
@chibas.arkanghil
mas madali maglaba talaga sa washing machine...
Maojud sis. Save pud sa oras.
tama