THE DIARY GAME SEASON 3 ( JUNE 11, 2021 ) PAGBILI KO NG CAKE PARA SA ISANG ESPESYAL NA ARAW NG AKING ANAK
Magandang umaga mga kaibigan kong steemian. Ngayon po ay isang espesyal na araw para sa aking pangalawang anak na si Akira. Kaya naman nais kong ibahagi sa inyo ang naging una kong ginawa para sa araw na ito.
Alas 6:00 pa lang ng umaga ay gising na kami ng asawa ko para batiin ang aming pangalawang anak sa kanyang kaarawan. Nag wish kaming mag asawa para sa kanyang kaarawan. Pina intindi rin namin sa kanya na hindi muna kami maghahanda ng ayon sa nakasanayan niya kasi kagagaling pa lang namin sa ospital sa kadahilanang pangkalusugan ng kaniyang ama. Naintindihan naman niya ito.
Ilang minuto ang nakalipas sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay tumunog ang aming selpon. Tumatawag ang biyenan kong lalaki. Nakaugali-an kasi nila sa probinsiya na tumawag pata bumati sa kanilang apo sa tuwing may kaarawan. Nagpaabot sila ng kanilang mga birthday wish. Pagkatapos marinig ang mensahe ng bawat bumati galing sa probinsiya ay binigay sa akin ng anak ko ang selpon.
Sa aming pag-uusap ng aking biyenan ay tumungo agaf ako sa pawnshop. Nagpadala siya ng kaunting pera para naman may kaunti kaming maihanda sa birthday ng aking anak. Pagkatapos doon sa pawnshop ay dumiritso ako sa isang tindahan ng cake malapit sa amin. Gusto kasi ng biyenan ko na kahit kaunti lang ang handa ang importante ay may cake at makapag blow ang aking anak. Isang kilometro lang ang layo ng pawnshop ay sa tindahan ng cake.
Ako pa lang ang customer doon sa tindahan ng cake. Agad akong pumili sa mga display nilang cake. Pinili ko yung mas mura at gusto ng anak kong flavor. Tinantiya ko lang ang pera na ipinadala ng biyenan ko. Hindi pa naibigay ng tindera ang inorder ko na cake kasi sinulatan pa iyon. Dedication cake kasi yon. Maya't-maya pa ay binigay na sa akin na naka box. Nang patungo na ako papalabas sa tindahan ay may dumating silang bisita. Mga manager pala iyon ng iba't-ibang branch. Nakakuha rin ako ng picture nila. Pagkatapos noon ay lumabas na ako at tinungo ang daan pauwi.
At dito nagtatapos ang aking diary para sa araw na ito. Iniimbitahan ko sina @amayphin, @olivia, @sweetmaui. Maraming salamat. Mabuhay ang Steemit Philippines!
Lubos na gumagalang,
@chibas.arkanghil
sarap talaga ng xake
Opo maam talagang napakasarap lalong-lalo na para sa mga bata.
This post was upvoted by @hustleaccepted
Use our tag #hustleaccepted and mention us at @hustleaccepted to get an instant upvote.
Also, you can post at our small community and we'll support you at Hustle Accepted
Visit our website at Hustle Accepted
iba talaga ang saya ng mga bata pag may cake kaya napakabait ng biyanan po ninyu para magpadala ng pera at maging masaya ang anak niyu.. happy birthday sa kanay!
Opo sobrang bait. Naawa nga ako kasi ng C.A pa sa tinatrabahuan niya. Alam kasi niyang walang wala kami ngayon dahil kagagaling lang sa ospital.