Steemit Philippines Photography Contest Week #6 - LIFE STORY - Share a Great Memory of a Deceased Loved One | Monima

in Steemit Philippines3 years ago

Nasaan ka man ngayon, palagi mong tatandaan na
mahal na mahal ka namin!

1EB6854E-D08B-4546-A08E-EC922B7E53F7.png

Magandang araw sa lahat!

Masakit yata ang tema ng ating photography contest ngayon dahil may kirot talaga sa puso kung pag-uusapan na ang mahal natin sa buhay na nawala na. Pero, sisikapin ko na matapos ko itong post na ito na masaya. Alalahanin ko nalang ang masasayang mga panahon na kami ay magkakasama pa.


0B5E7342-0902-45E4-9BA6-7F37C2DA67C1.jpeg

Hindi ko akalain na ito na pala ang magiging huling selfie ko kasama si Monima dahil pumanaw na ito last year 2020. Siya ay isang mabait masayahin, at magalang na estudyante ko sa Grade 8 noong 2014-2015. Nursing sana ang kinukuha niyang kurso sa college, pero biglaan ang kanyang naging pagpanaw, pero hindi namin tukoy kung ano ang tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay dahil ang sabi lang ng pamilya niya ay nawala na ito.

Isa siyang muslim, at masayang masaya ako noong binisita nya ako sa school upang mangumusta na nakasuot na nitong damit pang-Muslim. Noon kasi noong nasa-highskul pa siya ay uniform talaga ng school ang kanyang damit sa araw araw. Kaya sabi ko agad sa kanya na magpapa-picture ako sa kanya. Ang caption ko nga dito ay “Christian & Muslim” obvious naman kung bakit, diba?


628714D4-7535-4AAD-9F50-E24F4DE0E57D.jpeg

Iyan si Monima noong Grade 8 pa. Siya yang naka-blue na PE T-shirt. Sa simula kasi ng klase ay pinipicturan ko ang aking mga estudyante para sa kanilang Cleaning Assignments. Ganyan kasi sa public school wala kaming hired janitor para maglinis ng classroom. At masaya kaya ang maglinis sa classroom dahil ma-eexcuse ka sa gawaing bahay. Oops sorry!

Ako bilang isang teacher ay may tupak talaga. Isang araw, habang kami ay nagdadasal bago simulan ang klase ay naisip ko lang kung paano kaya magdasal ang mga Muslim. Gusto ko sanang marinig ito dahil sa tanang buhay ko hindi ko pa nasaksihan ang ganoon. Isa akong Roman Catholic, pero naka-attend na ako ng mga pagsisimba ng mga Iglesia ni Kristi, Born Again Christian at Seventhday Adventust, pero ng isang Muslim wala pa! At hindi ko alam kung may chance ba akong makapasok sa isang Mosque.

Kaya pinakiusapan ko si Monima na iparinig sa akin ang isa lang sa kanilang mga panalangin. Matagal bago ako pinagbigyan ni Monima, sabi kasi niya na hindi rin daw namin ito maiintindihan. Syempre kasi iba ang lenguahe ang ginagamit sa kanilang dasal. Pero masaya talaga ako dahil ipinarinig nya sa amin kung paano sila magdasal. Tinanong ko pa siya kung gaano sila kadalas mag-dasal at paano sila magdasal. Alam ko pwede ko iyon i research, pero iba pa din kung sa totoong tao ko ito malalaman.

D3CF0A2A-118B-44E5-B9D3-11F9E3AB6832.jpeg

Sila ang mga bestfriends ni Monima. Palagi silang magkakasama sa loob at labas ng classroom. Madalas ko silang nakikitang nag-uusap usap naka-squat lang sa sahig ng lobby namin. Syempre okay lang iyon kasi ang linis talaga at kintab ng aming lobby at silid-aralan. Actually, ang swerte ko sa batch na ito dahil sila ay masisipag at matulungin.


Year 2019, grumaduate ang batch nila ni Monima sa Senior High School nag-aral ito ng nursing sa University of the Visayas (UV) at pagkatapos ng eskwela ay tumutulong ito sa kanilang negosyo sa Colon Cebu. Syempre pumunta ako roon dahil sabi ni Monima, may discount daw ako pag bumili ako sa kanila. Natatandaan ko na bumili ako ng dvd sa buong season noon ng Game of Thrones at Arrow. Syempre may Ex-teacher/adviser discount iyon!

10796919-5EFF-484F-A0D8-0760B1556D77.jpeg

Kasama pa namin si Monima sa 18th Birthday ni Elaiza na bestfriend niya, na kaklase parin niya sana sa University of the Visayas. Masaya ang naging celebrasyon nami dito. Panay ang tawanan at kwentuhan namin noong nasa Grade 8 palang sila.


Monima, kahit nasaan ka pa ngayon, palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin. Salamat sa mga masasayang araw na ating pinagsamahan. Ma mimiss namin ang iyong malutong na tawa at ang iyong mga kwento. Maraming salamat dahil naging parte ka sa buhay ko bilang isang guro at sa buhay ng mga kaklase mo.

Dito na lang po! Maraming salamat sa inyong pagbisita sa post ko. Sana ito ay inyong nagustuhan. I am inviting my friends to join this contest also: @lunajey, @rye143, @grasyaa!

Mga Recent Posts ko dito sa Steemit Philippines:

20% of the rewards go to @steemitphcurator

Sort:  
 3 years ago 

Judge: @juichi

Criteria for judgingRate 0-10
1. Relevance to the theme.9
2. Creativity.9
3. Technique.9
4. Overall impact.10
5. Story quality.10
Total Rating9.4

What a tragic story sir! ka bata pa niya.

 3 years ago 

Kaau sir. Ahak kaayo hugno mi tanan kay di mi ka visit

 3 years ago 

Hello, sir maraming salamat sa pagbahagi ng inyong estorya dito sa @steemitphilippines.

 3 years ago 

thank you po!

 3 years ago 

Walang anuman po sir.

 3 years ago 

Napaka bata naman yan! So sad!
I felt the severe sadness while you create this post.
overall rating: 9.8

 3 years ago 

Yes. This is very sad.