The Diary Game 5|7|2022 Ang pag gunita ng pagkamatay ni Papa at anibersaryo sa kasal nila ni Mama sa parehong araw

in Steemit Philippines3 years ago

IMG20220507204841~2.jpg
Ang aking pagtatapos sa high school

Isa sa pinaka masakit na pangyayari sa aming pamilya ay ang pagkamatay ng aking Ama sa araw ng anibersaryo nila ng aking Ina. Para bang sa mga sinumpaan nila at ng lahat ng mag-asawa na 'til death do us part.

Naalaala ko nuon kung gaano kasipag ang aking ama sa paghahanap buhay para lang may makain kami sa araw-araw. Isa siyang masakitin na tao. Lumaki siyang may hika at yun ang isang balakid sa kanyang pang araw-araw na pag mamaniho ng traysikel. Kahit ganun pa man ay nagpupursigi siya na mag trabaho para sa aming pangka buhayan.

Nuong nabubuhay pa ang aking Ama ay pangarap talaga niya na maikasal muli sa aking Ina. Subalit dahil sa kahirapan ay di man lang iyon nang yari. Gusto kasi nya na maka pagsuot kaming lanhat ng magarbong suot sa araw na yon at buo ang aming pamilya.

Lahat kaming magka kapatid ay gusto sanang ibigay ang pangarap na yon pero wala na ang aming Ama ng medyo gumanda ang aming pangka buhayan.

IMG20220507204946~2.jpg
Kompleto kaming magkakapatid na babae. Ako ang bunso.

Kahit wala na ang aming Ama, ipinagdiwang parin namin ang araw na iyon. Sa kanilang kasal at sa pag-uwi nya sa piling ng ating Amang Dyos sa langit.

Hindi man kami kompleto sa araw na iyon dahil ang aming panganay ay naka tira na sa probinsiya kasama ang kanyang pamilya at ang pag panaw na rin ng tatlo pa naming kapatid.

Masaya parin kaming magkakapatid dahil kapiling namin si Mama at masaya siya sa kada taon na ipinag diriwang parin namin ang anibersaryo sa kasal nila ni Papa at ang pag-uwi ni Papa sa langit. Sigurado ako na nasa langit si Papa dahil isa siya sa pinaka mabuting tao sa lahat. Hindi siya namamalo sa pag disiplina sa amin.

Screenshot_2022-05-07-20-26-41-72_965bbf4d18d205f782c6b8409c5773a4~2.jpg

Minsan ay masakit parin isipin na hindi ko naibigay ang pangarap ng Papa pero alam ko na may magandang plano ang Diyos sa aming pamilya. Mahal ng Panginoong Diyos si Papa kaya kinuha siya ng maaga para maka pagpahinga sa kanyang hika.

Sa ngayon, masaya si Mama sa piling ng kanyang mga apo. Ang mga bata ang nakapag bigay sa kanya ng sigla sa araw-araw lalo na kung nakikita niya na sila ay malusog at masayahin. Siya parin ang taga alaga sa aking kapatid at ng aking munting pamilya.

Screenshot_2022-05-07-20-27-46-39_965bbf4d18d205f782c6b8409c5773a4~2.jpg

Sana ay mapasaya namin si Mama bukas sa araw ng mga Ina. Hindi man bonggahang handaan basta lang may pagsasalohan kami sa tanghalian kasama ang gusto nyang fried chicken sa Jollibee.

Happy Mothers' Day to all the Mama.

I invite @steemitcebu @lealtafaith @jufranketchup to share your story of the day. Maraming salamat po.

10% of upvote will go to @steemitphcurator

Sort:  

Congratulations! Your quality content qualifies the Steem Global Curators guidelines.

Your post is upvoted using the @steemcurator06 account by @juichi. Continue making quality content for more support.

 3 years ago 

Thank you sir!😊

 3 years ago 

meron talagang mga pangyayari sa buhay natin na di natin aakalain.. ngunit. masaya na din tayo na nkikitang masayang ang ating ina ... mabuti at merong mga apo na nagpapasaya sa knya! happy mother's day po

 3 years ago 

Tama po kayo.

Happy mother's day din po❤️

 3 years ago 

thank you po ng marami!

 3 years ago 

I really like the first photo ❤️

Wala jud kupas beauty ni lola, mao gehapon sukad kaniadto.

 3 years ago 

Gwapa gihapon. Naliwat ko😁

New to Steemit?