Burnsteem25|| The Diary Game Season 3|| November 23, 2022|| "Happy 4th Month Baby Ish"

in Steemit Philippines2 years ago

20221124_134559_0000.png

Edited By: Canva Application

Isang mapagpalang araw sa ating lahat. Nais kong ibahagi sa inyo ang espesyal na araw ng aking napakagandang anak, hindi niya kaarawan o birthday pero ipinagdiriwang pa rin namin ang 4th month niya. Masaya kami dahil sa awa ng Panginoon ay lumaki siya ng malakas at malulusog ang pangangatawan kaya ito nagpapasaya sa aming mag-asawa kaya ipinagdiriwang namin ang ika apat na buwan ni baby Ish. Umaga pa lang kahapon ay bumabati na kami kay baby Ish. At kahit walang kamuwang-muwang pa sa mundo ay nadama ko pa rin masaya siya sa pagbati namin sa kanya.

IMG20221123162448.jpg

Ganito si baby kahapon, masayang-masaya at malaki ang tawa niya. Naaaliw naman ako dahil palangiti ito. Tayong mga magulang ay hangad talaga natin na palaging masaya ang ating mga anak. Kaya kahit pagod na pagod tayo, basta makita lang natin na ganito kasaya ang ating anak ay mawawala ang ating pagod sa ating katawan. Nabiyayaan kami ng maganda, cute at bibong-bibo na anak kaya lubos ang pasasalamat ko sa Panginoon.

received_626473135878152.jpeg

Kahapon ay naisipan naming bumili ng maliit na cake, ito lang muna ang bibilhin namin total total hindi pa naman birthday niya. Ang importante kasi nito ay maipakita namin sa kanya ng pagmamahal bilang isang magulang. Napagdisisyunan naming bumili ng cake kaya umaga pa lang ay pumunta na ako sa pamilihan para pumili ng cake at ito ang napili ko. Simpleng cake pang ito pero mula sa puso ito. Agad naman akong bumalik para ibigay ang cake kay baby at makapagselfie naman kami. Ang larawang ito ay siyang ilalagay namin sa tarpaulin sa kanyang kaarawan.

IMG20221122124129.jpg

Pagdating ko ay masaya kong ipinakita sa aking asawa at kay baby ang cake na binili ko. Sakto naman at may natira pang ulam na lechon na dala namin mula pa sa kaarawan ng aking tita.

IMG20221124094622.jpg

IMG20221124094626.jpg

Bumili rin ako ng lumpia at pancit na kong tawagin namin dito ay Bam-e. Para hindi na mahirapan at matatagalan sa oras ng kainan ay minabuti na luto nalang ang bibilhin. Masaya naman kaming kumain habang kandong-kandong si baby Ish. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binigyan nya ako ng pamilyang mabait, mapagmahal at mapag-aruga kaya mahal ko sila talaga ng lubusan.

images(2).jpg

Nais kong imbitahan din sina nanay @olivia08, ate @jurich60 at ate @amayphin para sa isang talaarawan dito sa steemit philippines at ang 25% na payout mula sa post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.
DetailsRemarks
LocationBarangay Punta Silum Manticao Misamis Oriental
Time10 AM
Date CapturedNovember 23, 2022
Captured ByOppo A12e

IMG_20220922_191546.jpg

Sort:  
 2 years ago 

Happy monthsary birthday kay baby Ish beautiful!

 2 years ago 

Thank you po ate..

 2 years ago 

Using uso na ngayong sinicelebrate ang monthly anniversary. Cute ng baby mo Del. Nagasawa kana pala😄
Welcome to the married life circle... haha. Cute naman ni baby Ish, yan na ba full name nya?
Napakahappy ng isang tahanan Lalo kapag may baby pakiramdam mo may anghel palagi sa iyong bahay. Napakaganda lng regalo sa inyo ngayong pasko.

 2 years ago 

Salamat ate.. 😊😊Irisha Meave Wren E.Ratunil full name niya.

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

 2 years ago 

Thank you very much..

 2 years ago 

Happy fourth months baby 🐥 wishing you all the best 😗

 2 years ago 

Thank you sa Greetings.