Diary Game Season 3: June 13, 2021; Ang Baha

in Steemit Philippines4 years ago

Magandang hapon sa lahat mga kaibigan at sa lahat ng mga membro dito sa Steemit philippines community, steemit blogging. Nandito na naman ako upang ibahagi sa inyo ang mga kaganapan ng aking buhay noong nakaraang araw, June 13, 2021.

Kahapon ay kapistahan namin dito sa aming lungsod pero dahil sa banta ng pandemya ay minabuti ng lokal na pamahalaan ditp sa amin na huwag magdaos ng malaking programa at bawal ang mga pagtitipon-tipon alin sunod sa abiso ng Presidente ng bansa. Kaya ang lugar namin ay napakatahimik. Pagsapit ng hapon ay nagsimula nang bumuhos ang malakas na ulan. At matagal ito bago tumigil ang ulan. Nang nakatigil na ang pagbuhos nito, ito ang tumambad sa amin.
IMG20210613162843.jpg
Ang malakihang pagbaha, madali itong lumaki at lumawak.
IMG20210613163150.jpg
Dahil sa laki nito ay umaalon-alon ito hanggang umabot ito sa pangpang. Marami ang mga kahoy at iba pang basura ang tinangay sa malakas na baha.
IMG20210613163209.jpg
Dahil sa patuloy na pagtaas ng ilog ay nagsimula na kaming mangamba dahil baka aapaw na naman ito sa lugar namin kung patuloy pa itong tataas. Kaya patingin-tingin kami sa paligid ng ilog upang mamonitor ang pagtaas ng ilog.
IMG20210613164327.jpg
Patuloy pa rin ang pagtaas ng tubig dahil ang palatandaan naming kahoy ay naabot na ito at malapit na lamunin ng ilog ang kahoy. Kahit sanay na kami dito sa sitwasyon namin na may malalaking pagbaha ay hindi mawala sa amin ang pangamba baka aapaw ito. Noong bagyong sendong kasi unapaw ang tubig baha dito sa lugar namin, buti nalang hindi tinangay ng ilog ang bahay namin.
IMG20210613162807.jpg
Maraming puno ng saging ang natangay sa pagbaha ang iba ay may bunga pa. Sa pakiwari namin ay baka nabuwal ang lupa at saka tinangay ng ilog. Sa pag-obserba namin kahapon sa baha, napansin namin na maraming basura ang tinangay, nangangahulugan na maraming mga tao ang patuloy na nagtatapon ng basura sa ilog, pati ang mga kahoy. Kahapon ay may mga kahoy din ang tinangay, nangangahulugan din ito na patuloy pa rin ang pagpuputol ng mga kahoy.
IMG20210613164517.jpg
Ang mas lalong pinangangambahan namin ay baka matangay rin ang mga inimpok naming buhangin. Pawis at pagod ang ginugol namin dito pero baka mawala lang basta-basta, kaya may lalo pa kaming nalungkot kung matangay ito. Malapit na kaming mawalan ng lakas ng loob na mawala ang pinaghirapan namin dahil sa baha. Pero nang tiningnan ulit namin ang gilid ng ilog ay nakita na namin na unti-unti na palang humupa ito. Napakasaya namin dahil dininig ng Panginoon ang panalangin namin na sana hindi pa lumaki ang baha. At hindi nawala ang mga inimpok naming buhangin na siyang ginawa naming negosyo.
jb123.gif

Sort:  
 4 years ago 

Nakakalungkot talaga kapag naguulan na. Kapag maaraw nagrereklamo tayong mainit pero mas mainam pa nga na maaraw nalang kesa naguulan na dahil alam natin na ang hatid nito ay baha. Papano kayo magcelebrate ng fiesta Del eh kung nanganganib naman na babahain.
Pasalamat at hindi natangay ang mga naipon ninyong buhangin. Dapat isako na ninyo yong mga naipon ninyo para naka safety na. Dahil tlagang panahon na ng tag-ulan, tuloy tuloy na yang magbabaha talaga. Maganda na yong prepared na din kayo.
Kami man din dito dahil sa likod bahay namin ay ang ilog na. Kapag maguulan ng malakas sa loob ng isang linggo na tuloy-tuloy asahan mong babaha na talaga. Dalangin ko wag naman sana bumaha ngayong taon na eto. Dahil napakahirap ng binabaha. Hirap maglimas ng putik sa loob ng bahay.
Palagi tayong magdadasal upang tayo ay gawing ligtas ng panginoon.

 4 years ago 

Ingat kayo dyan ate. Hindi po kami nag celebrate ng fiesta.. 😊 parang normal na araw lang ate dahik sa pandemya. Talagang nakapagbago ang new normal. Nakakalungkot lang na hindi maibalik ang mga maingay at masayang nakaraan dito sa lugar namin tuwing pista.