Diary Game Season 3|| December 7, 2021|| "Ang Aking Pamamasyal At FoodTrip Day"
Magandang umaga sa lahat mga ka steemians lalo na dito sa @steemitphilippines..
Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa aking pamamasyal sa Manticao Central School kasama na dito ang food trip ng aking mga pinsan.
Sa pagpunta ko sa aking Paaralan noong elementary pa ako, malaki talaga ang kaibahan noong ako ay nag-aaral pa dito sa naturang Paaralan. Tiningnan ko lahat ng lugar sa Paaralan at malaking kaibahan na talaga.
Nang ako ay medyo napagod sa kalalakad, naisipan kong magpahinga muna sandali dito sa isang waitingshed sa loob mismo ng school campus. Ang lugar na ito dati, dito pa kami nag-igib ng tubig kasama ang aking mga kaklase. Pero naiiba na ang lugar at ginawa nang waitingshed ang lugar.
Maganda ang kanilang pagkakagawa, marami ang makakaupo at hugis octagon ito. Magandang pahingahan dito kasi nasa ilalim ito ng malaking kahoy kaya napakalamig at makakarelax ka talaga.
Agaw pansin din sa akin itong bulalak na rose, kulay pink ito at napakagandang tingnan. Nakatanim ito sa isa sa mga Paaralan dito at napaisip ako na pumitas ng mga sanga para itanim sa Bahay pero hindi pwede kasi bawal ang mamitas ng mga bulaklak.
Hanggang tingin nalang ako sa mga halaman na nakita ko sa Paaralan. Nagkakaroon kasi ng mga ibat-ibang halaman kasi bawat estudyante ay pinapadala ng mga halaman na nagsisilbing projects nila para mapaganda ang kanilang silid-aralan.
Nang nakarating ako sa bahay ng aking mga pinsan ay sakto naman at kumakain sila ng apple, ito ang isa sa mga paborito kong kainin. Kaya masaya kaming nagkakainan at nagtatawanan. Kinukumusta bawat isa at ibinahagi ang mga magagandang pangyayari noong kami ay bata pa.
Habang kumakain kami ng mansanas ay ba naman ang kinakain ng isa ko pang pinsan, balot ang kinakain niya. Bata pa ako ay hindi talaga ako kumakain ng balot kahit nilagang itlog.
Pritong itlog lang ang kinakain ko, pero iting pinsan ko ang lakas kumain ng itlog na balot, sinisipsip ang sabaw at kinakain pati ang sisiw na may balahibo na. Napamangha talaga ako sa aking nakita at hindi talaga matatanggap ng sikmura ko ang balot.
Ibabahagi ko rin itong seaweeds na napakasarap. Ang tawag namin dito ay Guso isa uri ng seaweeds na makakain at ayun sa pagsusuri at aking nabasa, ang pagkain ng seaweeds ay nakakatulong upang pigilin ang sakit gaya ng goiter dahil nagtataglay ito ng iodine na napakahalaga sa ating katawan.
Masarap itong kainin lalo na kapag ginagawa itong salad.
Masaya ang aking karanasan dahil nagkakasama uli kami ng aking mga pinsan at nakagala naman ako sa Lugar kong saan ako natutunong bumasa at sumulat.
#### Maraming salamat sa pagbasa at magandang umaga sa inyong lahat.Nagmamahal,
@jb123
Mindanao Area Moderator
Wa man ko nimu ubana? ☺️☺️
😁😁 urgent man gud.
stay safe bro at magandang araw sa yo🙂
Salamat ate. 😊 Kayo din po stay safe always. Godbless you all. 😊
Ang ganda po ng bonding nyo mag pinsan.