"WALA NA"
Hindi lahat nang nakatayo ay buhay...
Yong akala mong malakas, hindi naman pala.
Hindi dahil tall and dark maganda na.
Saan nga ba nababasi ang lakas at kagandahan?
Halos lahat nang tao naghusga basi lamang sa makikita.
May mga panahon na akala mong may makukuha ka pero wala na.
Nung akala mong may katas pa pero,kahit anong piga mo wala na.
Umaasang meron pa,pero wala na,wala na talaga. Na kahit anong pilit mo para lang maramdaman mo lang ang katas niya pero wala na talaga..
Nung mapapaisip ka na lang, kung maibabalik lang ang nakaraan,
Namnamin ko ang lahat na mayroon siya..
Walang oras na sasayangin.
Palaging mamalagi sa kanyang piling.
For better or for worse until death do as part.
Pero nasaan na nga ba ang mga magagandang pangako.
nawawala nalang nga ba na para ambon na nasisikatan nang araw.
Ano nga ba ang nangyari, bakit nawala ang dating lakas at ganda?
Sino ang nagkakamali siya ba o ikaw.?
Ikaw ba ang dahilan,? O biktima ka lang?
Dapat bang magsisi sa mga panahong lumipas,at sa mga panahong nasayang?
Nakatadhana ba ang mawalan?
Maraming katanungan na sa isip sumasagi, katanungan na alam mong ikaw lang ang makakasagot.
Mga pangyayaring ikaw lang ang nakakaalam.
Husgahan man nang iba ikaw lang ang may kasagutan.
Wala na nga ba talaga @quilvs, @loloy2020 at @juichi...?
Tanong nang isang ibon, paano na tayo saan na tayo dadapo at mamahinga.?
Mahirap mang maintihan ang mga pangyayari o tanggapin ang katotohanan,pero nangyari na ang lahat.
Hindi na maibabalik ang nakalipas...tanggapin na lang ang katotohan na wala na talaga.
Huwag nang maghintay at aasang meron pa,,hayaan na lang na dumating ang bukas dahil siguradong may magagandang nag antay.
Bagong Araw at Pag -asa hinanda nang may likha...
Ang Katotohanan: heaven and earth will fade away but the word of the Lord remains forever...
Ito lang ang sigurado at totoo.
Siguro sa paligid mo, wala nang mga nangyaring maganda, pero hindi ibig sabihin na wala na talaga, dahil mayroong hinahanda ang Dios na may likha..
Shalom to all steemians.
God bless.