Team Newcomer- Curation Guidelines for December 2022 [Tagalog Version]

in Steemit Philippines2 years ago

image.png

Ang artikulong ito ay orihinal na nilathala ni @inspiracion at napag kasunduan namin na isalin sa lengguwaheng Tagalog para mas makapagbigay unawa sa lahat ng miyembrong Pilipino.

Dear Steemians, ngayong buwan ay susuportahan ng Newcomer Team ang mga bagong myembro sa Steemit.

Bilang karagdagan, susuportahan at iboboto namin hindi lang ang Achievement task mula sa mga bagong myembro kundi kasama na rin ang kanilang iba pang mga publikasyon sa loob ng tatlong buwan.

Ayon sa mga tagubilin ng Steemitblog, ito ang misyon ng Team Newcomer:

Ang Team Newcomer ay magiging isang espesyalista na nakatuon sa pagsuporta sa mga baguhan sa kanilang unang tatlong buwan sa platform na ito

Tutulungan ng team ang mga baguhan sa pamamagitan ng pag boto ng Newcomers Achievement Tasks sa Newcomers Community at pag-curate din ng iba pa nilang post kahit saan mang komunidad sa kanilang unang tatlong buwan sa platform na ito.

Ito ay isang gabay na aming isasaalang-alang upang maisakatuparan ang curation o pag suporta ng mga publikasyon mula sa mga bagong miyembro.


Mga Alituntunin:


  • Ilalaan namin ang aming mga sarili sa pag suporta sa mga bagong miyembro hanggang sa tatlong buwan.

  • Nakatuon kami sa paggabay sa mga bagong miyembro sa pamamagitan ng kanilang mga Achievement Tasks.

  • Dapat tandaan na ang mga boto ay hindi magagarantiyahan sa mga Achievement Tasks na ito.

  • Isasaalang-alang namin ang anumang tema at kahit saan, anumang komunidad , anumang artikulo na nakakatugon sa mga pamantayan. Gayundin, boboto kami sa mga makabuluhang komento mula sa mga bagong miyembro.

  • Iminumungkahi namin sa mga bagong dating na may 0-3 buwan sa Steemit na gamitin ang tag na #newcomer, pati na rin ang tag ng kanilang #bansa na pinagmulan.


Mga detalye na isasaalang-alang namin sa mga publikasyon ng mga bagong miyembro:


  • Ang publikasyon ay nai-publish lamang sa Steemit, #steemexclusive.

  • Orihinal na gawa at hindi plagiarismo.

  • "Copyright Free" ang mga larawan na ginagamit.

  • Ang artikulo ay dapat maglaman ng hindi bababa sa 300 salita.

  • Bot- Free (Walang delegasyon o boto na nagmula sa mga bot).

  • Kwalipikado sa Club.(#club5050, #club75, #club100).

  • Ang halaga ng CSI ay dapat na higit sa 5%.

  • Dapat magiging flexible ang status ng club at CSI ng mga bagong miyembro.

  • Ang porsyento ng mga boto ay mag-iiba depende sa kalidad ng publikasyon.

  • Pagkatapos ng pag upvote sa isang artikulo mag-iiwan ang curator ng mensahe na nagsasaad na pumasa ito sa kaniyang pagsusuri.

Halimbawa:

Congratulations! This post has been upvoted through steemcurator09.

C3TZR1g81UNaPs7vzNXHueW5ZM76DSHWEY7onmfLxcK2iQCSedsGaDyEdcsTpYR8cbN72cwBGdiTbX9B8gvoRUCsomvqwooqWqyfAFUzA1Cbkf7VHS1bFeW.png

Curated By - @juichi
Curation Team - Team Newcomer
.


Ang Plano ng Curation


Sa aming pangkat, ang bawat miyembro ay mayroong inilaang schedule para sa curation ng mga post.

Narito ang aming iskedyul:

DayCurator
Monday@inspiracion
Tuesday@radjasalman
Wednesday@ngoenyi
Thursday@deepak94
Friday@ripon0630
Saturday@juichi
Sunday@tocho2

Sa loob ng isang linggo, magpapakita kami ng dalawang ulat ng aming aktibidad, kung saan isasama namin ang pinakamahalagang obserbasyon at rekomendasyon namin sa aming pagpalit ng curation. Susunod, i anunsyo namin ang pinakamahusay na mga post sa panahong ito.

Umaasa kaming makakatulong at magabayan ng mga alituntuning ito sa tuwing gumagawa ng isang post ang bagohang miyembro. Kami ay nakahanda upang gabayan at suportahan ang mga bagong miyembro sa kanliang paglalakbay dito Steemit.

Best regards,

TEAM NEWCOMER

@inspiracion [Venezuela]
@juichi [Philippines]
@ngoenyi [Nigeria]
@radjasalman [Indonesia]
@ripon0630 [Bangladesh]
@tocho2 [Venezuela]
@deepak94[India]

Sort:  

Excelente muy buenas noticias. Éxitos al equipo


This post was selected for Curación Manual (Manual Curation)

@tipu curate 2

 2 years ago 

Nice and quality post from you @juichi for this wonderful post, I'm really greatful and excited for the opportunity given to me to blog and deliver good quality post out here on steemit.

I will try my possible best to deliver post's free from plagiarism, as it is practically prohibited out here, i will stick to all rules out here, all i need is support, I'm really in a quest to join the club status.

I believe in my capacity, i know i have all it takes to excel here, Happy Sunday and God bless you all, really using the correct tags @newcomer.

 2 years ago 

Magandang programa po ito para ma inspire pa lalo ang mga new comers na magpatuloy dito sa steemit.

@yansk09 post kana ulit hihihi. At basahin mo ang artikolong ito. Hihihi.

 2 years ago 

Mag submit lang po kayo ng Verification post sa Newcomers Community. Iyon po ang unang batayan para po kayo magkaroon ng supporta mula sa mga curators.

 2 years ago 

Maraming salamat po, hindi na po ata ako pwedi sa new comers kasi last year pa ako nag register sa steemit isang taon na nakalipas pero recently lang ako bumalik maging active hihi

 2 years ago 

Haha. Oo gagawa din ako nang post.