The Diary Game Season 3 Week 21 (November 12, 2021) : Ang kaganapan sa aking buhay | 20% to @steemitphcurator
Magandang araw po sa lahat at nawa po ay masaya, malusog at ligtas ang lahat!
Ngayon po ay nais ko lamang ibahagi ang naganap sa buhay ko sa araw na ito.
Paglalaba sa umaga
Paggising sa umaga ay kay ganda ng araw kaya pagkatapos magkape ay napagdesisyonan ko na maglaba bilang paghahanda na rin kung sakaling may magbago sa schedule ng orientation na hinihintay ko at dahil marami-rami na rin ang aking labahin kaya sinulit ko na ang umagang ito pati na rin ang sikat ng araw para talagang matutuyo ang mga damit na ito. Mga bandang 11 ng umaga na ako natapos at dahil aalis ako ay tinuloy ko na ang pagligo at pagkatapos ay nagbihis na din ako at nagpaalam sa aking lola na aalis muna ako.
Pagbili ng Crispy Chicken
Pagka-alis ko ay napadaan ako sa paborito kong bilihan ng crispy na manok sa tabi ng kalsada at dahil hindi pa pala ako nagtanghalian ay bumili na muna ako at kumain. Talaga namang kay sarap ng crispy chicken nila at mainit-init pa na may kapares na medyo spicy na sauce kaya gustong-gusto kong bumili sa tindahan na ito at bilang suporta na rin sa may maliliit na negosyo na sulit naman talaga ang pagbili sa kanila. Sa may Tamiya ang pwesto nila kung sakaling may kabayan ako na steemians na malapit lang, bili na rin kayo. Pagkatapos kumain ay umalis na din ako.
National ID
Bandang hapon ako nakarating sa may kapilya malapit sa bahay ng aking girlfriend dahil doon ang lokasyon ng taga-Philsys para sa gusto at hindi pa nakapagpa-National ID. Kaunti lang ang pila at ang nauna sa akin ay mga senior citizen na tinulungan ng aking girlfriend bilang taga-assist sa mga taga-rito at siya rin ang nagsabi sa akin na magpa-National ID dahil magagamit at magagamit ito. Driver's liscence ang isa sa requirements na meron ako kaya ito nalang ang ginamit ko at dahil ako na ay nagproceed na ako sa next step which is ang pagkuha ng basic information, biometrics, pagbasa ng aking iris at iba pa at ang panghuli ay ang pagdouble check ng spelling or typos kung meron man at after ay ibinigay na nila ang transaction slip at advice na maghintay ng message kung kailan makukuha ang ID.
Hindi muna ako umuwi at sinamahan siya sa pag-assist kasama ang ibang youth. Mga bandang 5 pm ay natapos na kaya tumulong kami sa pagliligpit ng mga gamit gaya na lamang ng mga bangko at lamesa na ginamit ng mga taga Philsys. Pagkatapos masecure at malock ang chapel ay nagsi-uwian na kami at ako naman ay nagstay muna saglit sa labas ng bahay ng aking nobya at nakipaghalubilo sa mga pinsan niya. Mga bandang 6:30-7 pm ay umuwi na ako upang hindi mag-alala ang aking lola.
Maraming salamat po sa lahat at Pagpalain po nawa tayong lahat!
Ang inyong lingkod,
@lealtafaith
feeling ko ata sa january na ako kukuha ng national ID kasi medjo madami pa ang nakapila dito samin eh heheh at talagang magagamit tulad sa pagpa verify ng account sa gcash huhuh
totoo po, kaya po I grab the chance kasi sila na mismo lumapit sa mga tao