Ang aking Pastoral Ordination - It is official!!! Para sa Dios ang Papuri at Pagsamba

in Steemit Philippines3 years ago

Mabuhay at Manigong Bagong Taon!!!

image.png

Magtatapos na nga ang taong 2021 at isa na namang bagong taon ang ating susuongin at sa tulong ng Dios ay malampasan uli natin ito ng buong lakas at tagumpay. Bago nga magtapos ang taon ito ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang panibagong yugto ng aking buhay sa palapit na taong 2022 dahil sa kaluob ng Dios ay, talaga official na akong isa Pastor dahil nitong nakaraang mga araw ay naganap ang aming Pastoral Ordination, salamat sa Dios.

image.png

Nitong nakaraang mga araw nga ay naganap ang aming taonang Convention na kung saan ang lahat ng section ng aming District ay merong gagawing fellowship at mga meeting ng mga Pastors at sa event din nga na ito ay gagawin ang Pastoral Ordination ng mga bagong nag-apply ng pagka Pastor at ang iba ay yong mga tumaas ang mga position o rank bilang Pastor. Para nga mga bagong nag-aapply ng pagka-Pastor ay isa ako doon at salamat sa Dios para dito dahil hindi tao ang tumatawag sa akin para sa gawaing ito kundi ang Dios na buhay. Humigit kumulang 30 nga ang mga bagong Pastors na nag-apply at sa araw na ito o gabing ito gagawin ang ordination o ang pagsagawa na maging opisyal na maging Pastors kaming lahat.

image.png

Isa-isa nga kaming dinasalan ng mga leaders ng aming District dahil alam naman natin na tanging lakas at karunungan lamang ng Dios ang makakatulong sa amin at wala ang tulong ng Dios hindi namin ito makakaya, dahil ang pagiging isang Pastor ay hindi madali, ,maraming mga susuonging mga pagsubok pero sa tulong ng Dios ay makakaya ko ito at naming lahat.

Marahil ay ito talaga ang kaluob ng Dios sa akin dahil sa kahit na ano mang pagtanggi ko ay gagawa at gagawa ang Dios na matuloy itong bagong yugto na kanyang itinadhana sa akin, at taus puso ko itong tatanggapin dahil alam kong nandiyan ang Dios na handang tumulong at magbibigay lakas at karunungan sa akin.

image.png

Ang taong 2022 ay paparating na nga at handang handa na akong suonging ang kung ano mang mga pagsubok na darating dahil nandiyang ang Dios na laging naka alalay at siyang aking lakas at ang tanging pinag-aalayan ko ng aking buhay.

Masaya din ako dahil isa sa aking napaka matalik na kaibigan ay kasabay ko din na nag-apply at sa Pastoral ordination namin ay partner din kami. Kasama din namin ang asawa ng aking Pastor na pinsan ko din dahil nag level up na siya mula sa pagiging Exhorter Pastor ay isa na siyang ngayong Licence Pastor.

Talagang napaka buti at talalang masayang masaya ako dahil sa bagong yugto na ito sa aking buhay at tanging Dios lahat ang aking pasasalamatan at papurihan. Salamat Panginoong Hesu-Kristo!!!

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Sort:  
 3 years ago 

wow! Congrats po sir loloy. You indeed made a great decision