#Club5050/New PowerUp || Act of Kindness/Diary Game Season 3 (11-20-2021) | Ang Aming Bagong Feeding Mission sa Kabukiran na talagang napaka-Adventure
Isang Mapayapa at Mapagpalang Araw sa ating lahat dito sa ating Steemit Philippines Community!!!
Ngayon naman ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang aming pinakabagong Act of Kindness Event na buwan-buwan na namin itong ginagawa, ang aming Feeding Mission for the Kids Philippines na isinagawa namin ngayon sa kabukiran.
Nakarating nga kami dito sa lugar na aming pagdadausan ng Feeding Mission ng mga nasa oras na 7:00 ng umaga at ang pagbyahe nga namin ay talagang napaka adventure dahil sa hiran ng daan at napakadulas pero nagpapasalamat pa rin kami sa Dios dahil nakarating kaming lahat ng ligtas at walang kahit na ano mang mga nangyaring masama. Sa pagdating nga namin ay agad kaming nag-asikaso ng aming mga lulutuin pero dahil nag volunteer na ang mga magulang ng mga bata na sila na lang ang mag-luluto naging madali na lang ang lahat sa amin, at unti-unti na nga ding dumating ang mga bata kaya sila na lang ang aming inasikaso.
Habang naghihintay nga na matapos ang pagluluto ng mga pagkain, amin monang inaliw ang mga bata sa pamamagitan nga mga sayaw at mga laro at kitang kita naman na masayang masaya ang mga bata sa tulong din ng mga kasamahan naming mga kabataan na aliw na aliw din sa paglalaro dahil sila ang aming ginawang mga leader sa mga grupo.
Mga nasa oras na 11:00 ng umaga ay sinabihan na kami na malapit ng maluto ang mga pagkain kaya tinapos na din namin ang aming paglalaro at pag-aaliw sa mga bata dahil oras na din na magsalita at magbahagi ng mga salita ng Dios ang aming Pastor. Mahigit nga sa 20 ang mga bata at meron din mga iilang mga magulang ang nadoon kay nagpapasalamat kami sa Dios dahil kahit papano ay meron mga magulang ang makakarinig ng mga salita ng Dios. Ibinahagi ng aming Pastor ang magandang Balita sa kanilang lahat na tanging sa Dios lamang natin makikta at salamat din sa Dios dahil ang lahat ay nakikinig ng mabuti sa salita ng Dios.
Pagsapit ng mga nasa oras na 11:45 ay natapos na rin sa pagbahagi ng mga salita ng Dios ang aming Pastor at dahil malapit na ring mga tanghali at parang gutom na nga ang mga bata ay oras na upang makakain ang mga bata. Ang mga pagkain nga namin ngayon at nakasanayan na namin ay ang Fried Chicken, Spaghetti at meron ding Juice. Kitang kita nga na sa pagkuha ng mga bata ng pagkain ay tuwang tuwa ang mga ito dahil paminsan-minsan lang sila makakain nag ganitong pagkain. Habang nakikita nga namin ang mga batang tuwang tuwa sa kanilang mga pagkain ay labis na tuwa at galak ang aming nararamdaman dahil ito sa kabila ng hirap na aming pinagdaan papunta sa lugar na ito ay naging matagumpay ang lahat.
Mga nasa oras na 12:30 nga ay natapos na rin kami sa aming Feeding Mission at ang lahat ng mga bata at iilang mga magulang ay nakakain lahat at pati na rin kaming lahat sa team at dahil kitang kita nga namin na makulimlim ang kalangitan na para bang uulan nang malakas, nagpasya kaming umuwi na agad at baka nga umulan at habang nasa daan nga kami ay bigla ngang umulan ng malakas pero salamat sa Dios dahil sa kanyang proteksyon dahil naka uwi naman kaming lahat ng ligtas kahit na basang basa, binigyan pa rin kami ng lakas at magandang pangangatawan ng Dios.
Hanggang dito lang po ako mga ka-Steemit Philippines at maraming salamat sa pagbisita at pagbabasa sa aking post at sana ay nasiyahan din kaya.
Bago ako magtapus ay akin munang ibahagi sa inyong lahat ang aking pinakabagong Power Up events bilang pagsuporta ko sa #Club5050.
Ito ang aking pinakabagong PowerUp Events nitong mga nakaraang araw at sa araw na ito:
Ito naman ang para sa isang buwan, 30-days Transactions:
Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝
Mabuhay ang Steemit Philippines Community
kaganda ng lugar sir, grabe my dream place
Yes ate, grabe ang ganda ng lugar talaga.. 😇
Keep spreading your love to all who are in needs. Its a goid initiative. God bless at ingat kayo palagi.
Amen ate, salamat at salamat din sa Dios sa lahat ng ito.
Ang ganda naman po ng lugar sa pinag ganapan ng feeding nyu po 😊
Ang refreshing, halos abaot kamay napo makakapal na ulap 😍 enjoy na enjoy mga bata at magulang. God Bless po Sir @loloy2020
God bless you always Mel.
God bless you sir.
To God be the GLory tlaga and also sa inyo din po na may mga ginintuang puso para sa kapwa lalo na sa mga kabataan.
Ganda tlaga ng lugar nyo dyan sir.
Good deeds begets good reward.