The Diary Game Season 3 [05-17-2022] || Ang Dinner Fellowship Naming Tatlong Young Adult sa isang Boulevard Habang Nanunuod ng Sunset 🌇 🌅🌿

in Steemit Philippines3 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Sa bawat araw na nagdaan, nagpapasalamat ako sa Dios sa walang sawang pagbibigay sa akin ng biyaya at magandang pangangatawan sa kabila ng maraming mga pagsubog ang ating pinagdadaanan sa araw-araw patuloy parin siyang nandiyan at nagmamahal sa atin.

Sa araw nga na ito, ibabahagi ko sa inyong lahat ang nagdaang Fellowship namin ng dalawa sa kasama kong Young Adult sa isang Boulevard na malapit lang sa amin.

20220517_101817.jpg

Nangyari nga ang simpling fellowship naming tatlo mga nasa oras na iyon na 4:00 hapon dahil sa umaga noon ay ang araw ng aming pagsamba sa Dios. Ang aming pagsamba sa Dios ay nagsimula noong mga 8:00 ng umaga at natapos ito pagkatanghali na at doon na din kami nagtanghalian sa aming Simbahan, dahil pinagsalohan namin ang kahit na anomang pagkain na nakahain doon.

Mga 1:30 ng hapon ay umuwi na din kami sa aming mga bahay-bahay pero noong mga nasa oras na 3:30 ng hapon ay bigla na lang nag message sa akin ang aming Youth President na si Sir. @dan.yap at inanyayahan akong gumala na biglaan talaga at hindi pa namin alam kung saan kami papunta.

Dahil medyo malungkot naman kung kami lang dalawa kung kaya kinontak ni sir Dan ang isa pa naming Youth Leader na si Pastora @emzcas at pumayag naman ito kung kaya mga nasa oras na 4:50 na iyon ng hapon kami umalis at napag desisyonan namin na doon na lang kami mamasyal sa isang Boulevard na malapit sa amin.

Bago nga kami nag punta doon ay bumili muna kami ng mga pagkain namin, bumili nga si sir Dan ng ilang fried chicken at kanin na inilagay sa dahon ng niyog na tinatawag naming poso at dahil kunti lang ito dinagdagan na lang din namin ng kanin. Bumili naman ako ng dalawang Pizza na merong flavor na Beef at Overload at syempre meron ding panulak na softdrink at tubig.

IMG_20220515_173856_671~2.jpg

Habang hinahands nga nina sir Dan at Pastora Em2x ang aming mga pagkain, hindi ko namin pinalampas ang pagkakataon na makakuha ng selfie sa dagat na talaga namang napakaganda at saktong sakto din dahil maganda ang panahon at hindi malakas ang hangin, napaka aliwalas din ng dagat dahil low tide.

IMG_20220515_173934_025~3.jpg

Mga nasa oras na iyon na 5:30 at natapos na din sa pag-aayos ng mga pagkain nimin sila Sir Dan at Pastora Em2x, at saktong nga din dahil malapit ng mag sunset na nagbibigay ng mas magandang tanawin sa hapon na ito. Talagang napaka ganda nga ng tanawin sa mga oras na iyon, habang palubog na ang araw at kinuhaan din namin ng litrato ang aming mga pagkain, talagang nakakawala ng stress at nakaka relax.

Ngayon dahil medyo malapit na din dumilim, mga nasa oras na iyon na 5:50 ng hapon, kumuha muna kami ng groupie para remembrance naming tatlo at oras na din na kami ay makakain ng aming haponan. Sa pagkakataong ito nga ay na enjoy namin ang aming haponan at hindi na ako naka kuha ng ilang nga larawan dahil naging abala na din kami sa aming Facebook Live.

Salamat talaga sa Dios dahil naging masaya ang aming simpling fellowship naming mga young adults, kahit na tatlo lang kami at sana sa susunod ay makakasali na ang iba pa naming mga kasama.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  

This post was upvoted by @hustleaccepted
To get endless upvotes use the tag #hustleaccepted and follow our account
Wish you the best luck ❤️

hustle accepted (1).png

 3 years ago 

pastor, nice time spent with the young adults...

nice sad ang talan awon. sa among boulevard in ani sad pero sunrise lang didto

 3 years ago (edited)

Baliktad diay ate...nice diay ug buntag sayo para ma witness ang sunrise..

 3 years ago 

uu pero maglisod mi ug mata sau eehehe

 3 years ago 

Ang ganda ng gatherings na nangyayari pastor. Salamat sa pagbahagi nito sa amin.

 3 years ago 

Oo po para makapag relax naman kami kahit minsan lang...😇