The Diary Game Season 3 || Cell Group Fellowship sa Ibang Area at Iba pa naming Membro👉#burnsteem25

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Ang ating buhay ay bigay ng Dios kung kaya para lang sa Dios ang lahat ng mga gagawin natin at Siya lang ang nararapat na pasalamatan at papurihan.

Ngayong araw na ito ay isa na namang magandang gawain para sa Dios ang nangyari dito sa amin dahil naka sali na naman ako sa isa pang Cell Group Fellowship at para sa pagkakataong ito ay sa ibang Area na naman o ibang group.

jpg_20220926_182141_0000.jpg

Pagkatapos nga doon sa isang bahay ng aming bagong membro ay ilang araw nga ay dito naman kami sa bahay ng isa pa naming membro sa ibang group. Hindi talaga dapat ako sasali dito na group pero bilang support na lang din sa group nila at medyo kunti lang ang makakasali, sumali na lang din kami ng isa pa naming youth ba si Jicel, kasam din namin dito si Ptra @emzcas.

photocollage_20229280454154.jpg

Mga nasa oras nga na 3:00 ng hapon na kami nakarating doon dahil noong umaga nga ay meron din kaming mga ginawang importante. Sa pagdating namin ay nandoon na sila naghihintay sa amin. Sa totoo lang hindi dito ang schedule ng fellowship kaya hindi sila nakapaghanda dahil doon sa totoong naka schedule na bahay ay medyo nag conflict sa oras kung kaya kenansela muna at salamat sa Dios dahil willing itong pamilya na ito na tanggpapin ang fellowship.

Pagkatapos ng opening prayer ay ang pagnahagi ng mga testimony o pagpapatutuo ng kabutihan ng Dios. Bawat isa nga sa amin ay nagnahagi at isa sa magandang testimony ay ang naibahagi ng isa sa aming membro dahil nga sa kakapanganak pa lang niya at na Ospital pa ang anak niya dahil sa pneumonia pero salamat sa Dios dahil sa wakas ay naka labas na sila at kahit sa financial ay ibinigay ng Dios.

photocollage_202292801844954.jpg

Ngayon ay natapos na din na makapagbahagi ng mga testimony ang bawat isa at talagang napaka buti ng Dios dahil sa mga naibahagi. Ilang sandali lang ay oras na upang kami ay magbigay papuri't pagsamba sa Dios sa pamamagitan ng aming mga pagkanta at pagsayaw sa Dios, at sa pagkakataong ito ay isa sa aming youth na si Cristine ang nagdala sa pagkanta para sa Dios.

photocollage_202292802329766.jpg

Talaga naman pong napakasaya at masarap mag bigay papuri't pagsamba sa Dios. Ngayon naman oras na upang makarinig kami sa mga Salita ng Dios at sa pagkakataong ito si Ptr @emzcas ang magdadala sa pagnahagi ng mga Salita ng Dios. Iba naman ang paraan niya dahil magbibigay siya ng mga verse at bawat isa sa amin ay magbabahagi ng aming mga naintindihan bago siya magpapaliwanag at ma explain niya ng mabuti ang mga Salita ng Dios. Mas maganda din ang paraan na ito ni Ptra upang lahat ay maka participate at malalaman kung ano ang nasa isip nila tungkol sa Salita ng Dios.

IMG_20220915_164044_989~2.jpg

Mga nasa oras na 5:30 na din iyon ng hapon kami natapos sa gawian namin dito at bago nga kami umalis ay kinuhaan muna namin ng larawan ang napaka cute at maganda na batang ito na para talagang angel. Ilang saglit lang din ay umuwj na din kami dahil medyo malapit na ding gumabi at malayo pa ang aming uuwian, pero umuwi kami ng maligaya at puno ng pasasalamat sa Dios.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 2 years ago 

God bless everyone!
Ang cute ng baby hehe 🙂

 2 years ago 

grabeha blessings ani ni uwan oi! :) great job always on spreading the word of God.

 2 years ago 

What a good deed po. Sana poy pagpalain po kayo.