#Club100 //The Diary Game Season 3// The Stormy Weather//May 19, 2022//

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

inbound4716676129271123747.jpg

Good day po sa lahat ng steemians. Nawa po ay nasa mabuti po tayong kalagayan lahat. God bless us all . Kanina po umaga ay nagpatuloy po kami sa aming trabaho ng kasama ko,pinagtulungan po namin ang paggawa ng frame para po kisami kasi maglalagay po ng wiring ang electrician kasi aalis na po siya ngayong katapusan ng buwan,kaya minadali po namin na malagyan ng frame at kisami sa ibaba na party ng bahay. Natapos po namin kanina mga 10 ng umaga samantang sa taas naman ay tapis na po niya lagyan ng mga electrical wire at nilagyan niya din ng mga ilaw .

inbound6728343970858205539.jpg

may mga ilaw na po ang dalawang kwarto sa itaas at yung hallway pati terrace ay may mga ilaw na din. Pagkatapos na malagyan ng mga ilaw sa electrician ay kumain na po kami ng tanghalian.Pagkatapos ay umidlip mo na kami saglit at pagdating ng 1pm ay bumalik na kami sa trabaho. Nang biglang nag iba po ang ihip ng hangin lumamig na po ang ihip ng hangin,tapos pag tingin ko sa ulap ay iba na po ang kulay ng ulap,sabi ng kasama ko picturan mo bro.kasi parang may buhawi kasi ang itim na ng ulap kaya kinuhanan ko ng picture kahit na nagtatrabaho yung kasama ko.

inbound6225769387643381393.jpg

inbound1621683977528492659.jpg

inbound1828527617989630880.jpg

Nagpatuloy parin kami sa pagtatrabaho at hindi nagtagal ay bumuhos po ang malakas na ulan,noong una ay patuloy pa kami sa pagtrabaho subalit ng lumakas yung hangin ay tumigil na kami kasi nabasa na po yung gamit namin na handrill baka makuryente po kami kaya hinintay po namin na tumila yung ulan.

inbound9132676302297030886.jpg

Kaya noong tumila na ang ulan ay patuloy na po kami sa trabaho namin,kinabahan po ako kasi akala ko ay talagang hindi na titigil ang ulan o di kaya ay may tornado na lalabas kasi talagang ang itim talaga ng ulap bihira lang po ang ganoon na kulay ng ulap. Pero salamat sa Panginoon at di kalaunan ay tumigil po ang ulan at nawala na po yung maitim na ulap. Pagkatapos po namin magtrabaho ay umuwi po kami mga 5:20pm maaga po kami umuwi kasi baka uulan na nman at mag babyahe pa kami sakay sa motor mahirap na kung uulan uli ng malakas baka ma strandef na naman kami. Hanggang dito nlng po muna ako. Maraming salamat po sa lahat..God bless..

TO GOD BE ALL THE GLORY..

@louie35

Sort:  

Congratulations! Your quality content qualifies the Steem Global Curators guidelines.

Your post is upvoted using the @steemcurator06 account by @juichi. Continue making quality content for more support.

 2 years ago 

Thank you @steemcurator06. sir @juichi ..God bless.