Burnsteem25||Diary Game Season 3|| July 27, 2022|| "Tabing-Ilog"

in Steemit Philippines2 years ago

png_20220727_200710_0000.png

Magandang gabi sa ating lahat.

Tayong lahat dito sa mundong ibabaw ay biniyayaan ng mga magagandang bagay at lugar na bigay ng maykapal gaya ng mga kabundukan, mga halaman, bulaklak, mga insekto, hayop karagatan at mga ilog. Ngayong gabi ay ibabahagi ko sa inyo ang paglalakbay ko sa tabing-Ilog kaninang umaga.

Dahil mainit ang panahon kanina kaya naoag-isipan kong maglakad-lakad sa tabing-ilog. Sa aking paglalakad ay nakikita ko ang napakagandang lugar isa na dito ang napakaganda at preskong lugar dahil sa mga nagtataasang mga kahoy at malamig na simoy ng hangin.

IMG20220727083558_00.jpg

Kapag inaalagaan natin ang ating lugar ay matatamasa talaga natin ang mapresko at malinis na lugar. Maiiwasan pa natin ang mga ibat-ibang sakit at mga mapaminsala at mapanganib na mga hayop gaya ng mga ahas kapag malinis ang ating lugar.

Malakukay kristal ang tubig sa ilog dahil napakalinaw ito. Makikita sa ilalim ang mga isda, hipon at alimasag na lumalangoy papunta sa malalim na parte ng lugar. Dito sa mga malalaking bato na ito kadalasang nagtatago ang mga hipon, alimasag at isda lalo na yung nangingitlog pa. Dito rin nagsisipaglaba ang mga karamihang nakatira malapit sa ilog.

IMG20220727083721_00.jpg

May mga nagtataasang mga punong-kahoy na nagsisipagtubo malapit sa ilog. Hinayaan ng mga tao ang mga Puno na tumubo malapit sa ilog para magsisilbi itong pangharang upang hindi guguho ang lupa kapag may matinding pagbaha at pag-ulan. May mga puno din dito na oarang mga niyog at tinatawag namin itong Lubi-lubi ang hitsura nito ay parang niyog talaga. Sa kanyang katawan, dahon at maganda din itong haligi o sahig ng bahay.

Tumataas ito gaya kataas ng niyog at ang pinagkaiba lang sa niyog at ng punong ito ay hindi ito namumunga. Maraming mga ganitong uri ng puno ang makikita dito sa aming lugar. Ang ibang mga tao na nagmula pa sa malalayong lugar ay pumupunta lang dito para bumili ng ganitong puno para sa kanilang bahay. Ang ibang tao ay tinatawag itong Bogo depende lang kasi sa lugar ang pangalan nito.

IMG20220721140642_00.jpg

Ang malaking kahoy na ito na kong tawagin namin ay macao ay nakatulong ito noong humagupit ang bagyonh sendong dito sa aming lugar. Nagsisilbi kasi itong harang sa malakas na agos na tubig. Buti nalang at may mga tanim na mga kawayan at mga Puno malapit sa ilog kaya hindi deriktang tumama ang malakas na agus ng tubig baha. Umapaw ang tubig baha pero hindi malakas ang agus nito.

Halos 45 na taon na itong malaking ouno na tumubo sa naturang lugar. May mga ibat-ibang uri ng mga hayop gaya ng mga ibon na dumadapo sa lugar . Nagsisilbi kasi nilang bahay ang malaking puno na ito at dahil nasisiyahan kaming makakita ng mga ibat-ibang uri ng mga ibon kaya hindi namin pinutol ang puno.

images (2).png

Para mapanitili ang kalinisan at kagandahan ng lugar ay dapat palaging malinis ang lugar. Iwasang gumawa na nakakasira sa ating kalikasan. Kapag magagawa natin ito ay magmistulang paraiso ang ating lugar.

Bago ko tatapusin ang talaarawan ko para sa gabing ito ay nais kong ibahagi ang 25% mula sa payout na ito sa @null.

Sort:  
 2 years ago 

noong bata kami ng mga kapatid ko naliligo kami sa ilog. malinis pa noon. ewan ko lang ngayon.

Dapat talaga ingatan natin ang kalikasan.

--
Evaluation Date : July 27, 2022

#steemexclusive
at least #club5050
Plagiarsm Free ✅
Bot-free ✅
at least 300 words ✅
Delegator ✅
Verified Member ✅

Thank you for creating quality content in the Steemit Philippines Community.

Visayas Moderator,

@me2selah

 2 years ago 

Sa panahon ngayon ate, kaunti nalang ang ilog na malilinis..

 2 years ago 

Hang lucky ninyo malapit kayo sa ilog. Sarap maligo at maglaba sa ilog.

 2 years ago 

Yes ate.. dito din kami naliligo. ☺️

 2 years ago 

Napaka swerte nyu po dahil malinis ang ilog na malapit sainyu. Kadalasan kc ngayon sa mga cities, ang mga ilog may mga basura. Pero sa mga tagong lugar like probinsya pasalamat dhil naPreserve pdin ang kalinisan.

 2 years ago 

Yes ate. Nagpapasalamat din ako dahil sinusunod naman ng mga taong nakatira malapit sa ilog ang pagbabawal sa pagtapon ng basura sa ilog.

 2 years ago 

malapit din kami sa ilog, pero di pa ako nakaka explore dun ng mabuti.. sana soon...

 2 years ago 

Wow talaga ate?

 2 years ago 

Congratulations! This post has been upvoted through steemcurator08

Curated by @marlyncabrera

SteemCor07 - Lifestyle Curation Team

 2 years ago 

Thank you very much..

 2 years ago 

I wish to have a small house near a river...

 2 years ago 

Naku sir, dilikado sa baha.. 😁😁