Diary Game Season 3| October 27, 2021| Ang Masayang Araw Ko

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang gabi sa inyong lahat mga kaibigan ko dito sa @steemitphilippines. Kumusta na kayo? Sana ay maayos lang kayong lahat.

Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ang ay masayang pangyayari ng aking sarili. Lahat naman tayo kapag may mga masasayang mga pangyayari ay hindi talaga natin ito malilimutan lalo na kapag may mga kuhang larawan.

Ang mga larawan ko ay kuha ni kuya @jb123 dahil siya kasi ang kumukuha habang naglalakbay kami sa isang bundok.

IMG_20211027_204114.jpg
Ito ang bundok ng naawan, marami ang pumupunta dito para maglakbay at kumuha ng letrato. Maganda kasi ang lugar na ito kaya naisipan naming pumunta dito sa lugar. Kahit nakakapagod ay sulit naman dahil pagdatin namin doon ay nakikita namin ang boung lugar.

May mga ibon na nagliliparan, mga matataas na puno ng niyog, mga kahoy at marami pang iba. Napakalamig dito sa lugar na pinuntahan namin dahil napapalibutan ito ng mga puno ng kawayan at mga kahoy.

IMG20211027085313.jpg
May mga prutas din na makikita dito gaya ng langka, na isa sa aking mga paborito. Habang naglalakad kami ay napansin ko itong matandang puno ng langka na halos butas-butas na ang katawan nito dahil sa mga anay at sa katandaan nito.

Marami itong mga bunga at dito kumukuha ang mga tao para ibenta o kainin lang. Ang bunga ng langka ay masarap lutuin at tinatawag namin ditong ginataang langka.

Screenshot_2021-10-27-20-40-13-54.png
Ito ang kuha ng aking kuya habang kami ay naglalakad sa gitna ng maraming puno ng kawayan. Nagagandahan ako sa letratong ito kasi aktwal kasi ang pagkakakuha, ibig sabihin nakakapagletrato si kuya sa akin habang kumukuha din ako ng letrato. Maraming puno ng kawayan ang nakatanim dito at kadalasan ang mga taong nakatira dito ay kumukuha rin ng kawayan para sa kanilang bahay.

Yari kasi sa kawayan ang mga bahay dito gaya sa amin noong una. Malamig ang loob ng bahay kapag kawayan ang dingding at ang sahig nito l, ito kasi ang ginagamit namin noong hindi pa kami gumamit ng hardeflix.

IMG_20211027_204218.jpg
Nais ko rin pong isali itong espesyal na araw ng aking buhay. Kaarawan ko kasi ito at dumalo sina lola, tita at mga pinsan ko sa aking kaarawan. Masaya ako noong araw na iyon, dahil nagkatipon-tipon ang aking pamilya at kamag-anak. Nakaupo ako sa silya habang kinukunan ni kuya ako ng letrato habang nananalangin naman si papa sa pagkain.

Ang mga masasayang araw ay hindi malilimutan dahil nakatatak na sa puso at isipan ang mga maliligayang araw na dumating sa akin.

Maraming salamat po sa pagbasa..

Sort:  
 3 years ago 

Hanga talaga me sa lugar ninyo kaya tinawag ko itong paraiso. Hsppy ang familia pag nagsamasama.

 3 years ago 

Salamat po Ma'am.

 3 years ago 

Keep posting lang brother, mag-ipon ka ng mga sbd para makasali ka sa club5050.

 3 years ago 

Gustong gusto ko talaga ang buhay sa probinsya,simple!

 3 years ago 

Tama po kayo Ma'am, payapa ang sarili at makakalanghap ng sariwang hangin.