Burnsteem25: Second Daughter Akira Jenta's Birthday
Happy birthday my daughter, wishing your in good health always. Thank you for being an obedient, respectful and industrious daughter. And being patient all the times to your younger sister and brother. Although we don't have enough finances to gives you a bongacious celebration. But all we can assure to you was our never fading love that we can give to you with your mother. Keep safe and God blessed you my daughter...
Kumusta po kayo...
Ibinabahagi ko po sa inyo ngayon ang aking naging diary sa araw na 'to. Ang simpleng pagselebrar namin sa kaarawan ng aming anak na si Akira. Siya ay ang pangalawang anak na babae naming mag-asawa. Nagselebrar siya ngayon ng ika labing-isang taong kaarawan...
Salamat sa Diyos at binigyan naman siya ng panibagong taon sa kanyang buhay. Siya ay ang isa sa mga naging katuwang ng aking asawa para mag-aruga sa kanyang mga nakakabatang kapatid. Kaya laki ang aming pasasalamat at tuwa sa Diyos na pinagkaloob siya sa aming mag-asawa...
Alas 5:00 ng umaga, maaga kaming gumising mag-asawa. Para mang manyanita sa aming pangalawang anak. At para magsimula na agad kaming magluto para sa mga hahandain na mga pagkain para sa kaarawan ng aming anak...
Dahil gusto rin kasi ng aking asawa na magselebrar sa kanyang kaarawan kahit simple lang. Gusto rin kasi ng mga anak ko na kumain ng pancit. Kaya dapat maaga kaming maghanda para sa mga pagkain na hahandain namin...
Mga simple lang na mga pagkain ang aming inihandang mag-asawa. Katulad na lang ng pangunahing inihanda tuwing may kaarawan ang pancit, kunting ginamay na baboy, kunting humba at syempre ang hindi mawawala na pagkain tuwing may kaarawan ang birthday cake. Pinagtulong-tulongan naming mag-asawa na lutuin ang mga pagkain ito para madaling matapos..
Walang humpay na saya kapag nakikita namin ang kaligayahan sa kanyang mukha sa kanyang kaarawan...
And we were just wishing and hoping you again. A happy birthday my daughter. Salamat sa Diyos at ipinagkaloob ka sa amin ng iyong mama. At mabuting anak sa amin. Sana'y bigyan ka ng malusog na pangangatawan araw-araw. At mapagpalang araw sa buong buhay...
Ipinagpasalamat namin lahat ng buo sa Diyos...
Maraming salamat po...
Natz04
Despite of the circumstance we are facing, still we never fail to celebrate our daughter's birthday. Laban lang👊👊👊.