Ang Pagpapakilala ni Ninong sa Steemit Philippines

in Steemit Philippines4 years ago

Magandang buhay po sa lahat ng mga kapwa ko Filipino.

Nalulugod po ako na maging bahagi ng kumunidad na eto. Kaya bilang simula ay nais ko pong magpakilala.
Ako po si Nongni, ngunit pwede nyo akong tawaging CJ, labing- walong taong gulang at kasalukuyang nag- aaral. Ako po ay nakatira sa lalawigan ng Pangasinan.


1617848627898.jpg

Ang pangalan kong Nongni ay hango sa palayaw ng karamihan sa akin— ninong. Noong nagkamuang na ako, hindi ko gusto etong palayaw sa akin dahil para sa akin ay tawag eto sa mga matanda na. Pero nung nagtagal, nasanay at nagustuhan ko na rin dahil madami ang natutuwa. Biruin nyo po, bata pa lamang ako, isa na akong ninong. Ngunit, hindi ako mapera. 😁


Single parent po ang nanay ko. Meron syang maliit na Sari- sari store kung saan kumukuha ng ikinabubuhay namin. Nakikita ko ang paghihirap nya. Kaya bilang isang anak, pinagbubutihan ko ang pag- aaral ko ng sa gayon ay makahanap ako ng magandang trabaho at matulongan ko sya balang- araw.


Ngayong pandemya, bukod sa pag- aaral online, ang madalas kong pinagkakaabalahan ay ang pagkuha ng mga litrato at mag-edit, mag-gitara at paglalaro ng basketball.


Heto po isa sa ginawa kong cover, wala po ako YouTube Channel kaya upload muna sa account ni Tito @atongis.


Heto naman ang ilan sa mga kinunan ko ng larawan at na-edit gamit ang Snapseed, Lighroom at PicsArt sa aking Cellphone.

168837759_1075215772888469_7632458949178088422_n.jpg


Heto po at gumawa kami ng Basketball Ring upang sa ganun ay makasunod sa protocol na huwag lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan.



Ginawa namin eto ng tito ko. Sa katunayan, kamakailan ay sinamahan ko sya sa paggawa ng iba’t- ibang bagay na gawain ng karpentero. Kaladasan sa mga nagpapagawa sa amin ay mga kaibigan or kamag-anak. Madami akong natutunan. Nakatulong eto para makaipon ako ng pera at masuportahan ko ang aking sarili sa gayon ay hindi gaanong mahirapan ang aking ina. Masarap pala sa pakiramdam yung pinaghihirapan mo ang isang bagay.

167525651_175557087629488_6069895063546245578_n.jpg

168034460_497417105029488_389098558307708036_n.jpg


Sa ngayon ay wala kaming proyekto ng tito ko. Buti nalang ay nandito ang Steemit at ang SteemitPhilippines. Inudyukan ako ng aking mga tito at tita na sina @atongis @el-dee-are-es na sumali sa komunidad na eto. Sa katunayan, wala pa akong gaanong kakilala. Sana sa panimula kong eto, ay madami na akong maging kaibigan na kapwa ko Filipino. Ayun lamang po sa ngayon.

Ang Inyong Lingkod

Ninong

Paalala: Huwag po magmano sakin at wala po ako maibibigay,haha

Sort:  
 4 years ago 

Araratan nongni! 😁

 4 years ago 

Yeah, Salamat po!

Dear @nongni

APPICS is the easiest way to share pictures & videos on the blockchain and get rewarded with both STEEM and APX tokens! 📱

I'd like to invite you to join our mobile apps for iOS and Android, where you can simply login with your steemit account and start getting rewarded for your passion. APPICS is the most engaged dApp in the STEEM ecosystem!

If you are on iOS, please visit ios.appics.com and download the app directly from there. If you are on Android, please sign up at softlaunch.appics.com with your google play store email address so that we can invite you and send you an exclusive download link via email!

Team APPICS

Everything you need to know about APPICS: https://linktr.ee/appics

Visit our Website: https://appics.com

Join us on Telegram: https://t.me/appics_official

[ ATTENTION!]

This user is/was involved in spreading phishing links to hack users,
or other harmful activities to the Steem Community.

Be careful, and do not click on any suspicious links!


Change Password | Stolen Accounts Recovery
Report any suspicious behavior on Steem Sentinels
Need help? Reach us on Discord

 4 years ago 

Thanks for the warning!

 4 years ago 

Welcome Ninong. Naunahan mo kong magpost dito sa SteemitPhilippines. Ang bilis mo, kakasabi ko lang sayo kahapon 😅

 4 years ago 

Gawa ka na rin po.😁

 4 years ago 

Mabuhay at maligayang pagdating sa ating Steemit Philippines Community. Sana ay ipagpatuloy mo ang iyong suporta sa ating munting kumunidad.😇

 4 years ago 

Maraming Salamat po!

 4 years ago 

Welcome bro

 4 years ago 

Thank you!

 4 years ago 

Yow welcome sa steemit @nongni, may mga tropa din akong pangalatok, tho di ako maalam hahaha. Cool tuloy mo lang yan at magiging successful ka sa steemit kagaya ng tito mo

 4 years ago 

Opo, Salamat! 😁

welcome 🥰

 4 years ago 

Welcome po!

 4 years ago 

Hi Ninong! Namamasko po!