THE DIARY GAME / 20.04.21 / LAHAT PARA SA PANGARAP

in Steemit Philippines4 years ago

176004466_132702028837193_5806107089351714939_n.jpg

Parte ng pag-aaral ang kaakibat nitong kahirapan. Sa kahit anong aspeto nito ay naroon at naroon parin ang mga bagay na sa tingin mo ay mahihirapan kang abutin. Sa dalawang taong pag-aaral ko para sa aking pangarap na maging ganap na inhinyera, napag daanan ko ang mga hirap na 'di ko akain pag dadanan ko. Bilang isang honored student na grumaduate ng high school ay inakala kong magiging madali na lamang ang pag-abot ng pangarap. Dahil sa kaalaman ko sa matimatika ay akala ko na kakayanin ko nang pumasok at pag-aralan ang iba't ibang aspeto ng Engineering, ngunit gaya ng pang walong salitang nagamit ko sa sentensiyang ito; akala ko lang pala.

Sa dalawang taong pag-aaral ko ay naranasan kong bumagsak nang 'di agad nakabangon, talagang ninamnam ko ang pait ng pagkabagsak na iyon. Naroon din ang mga oras na tatanongin ko kung tama ba ang ginagawa ko at kung para sa aking ba talaga ang kursong ito, nag dadalawang isip kung itutuloy pa ba o mag hanap na lamang ng trabaho para sa makatulong sa pamilya.

Ngunit talaga nga atang gusto ng Panginoon ito para sa akin, dahil paunti-unti at munti-munti na akong bumanagon. Minaliit ko man nag kursong Engineering, di ko alam na magiging isa pala ito sa aking nilulubos lubos na panalangin.

176195989_493047788400781_5468085877591102166_n.jpg

Tumambak man ang gawain, kelangan ipagpatuloy kasi alam ko na darating ang panahon at matatapos rin, mang yayari rin lahat ng mithiin. Kung darating man ang panahon na ako'y bumagsak uli, kahit papano'y natutunan ko nang bumangon ng mabilis mula sa unang pag bagsak. Totoo nga sigurong may tamis parin sa bawat pait ng pagka-laglag. Wag matakot, maniwala, magpatuloy, at pag igihan.

176540601_925415084926289_2485698832267190464_n.jpg

Dahil alam ko na kahit gano man katagal abutin, ilang beses man bumagsak ay babangon at mangyayari parin, na ako ay maging isang ganap na Inhinyerang Sibil.

Sort:  
 4 years ago 

Mabuhay at Maligayang Pagdating sa ating Steemit Philippines Community. Maraming salamat sa iyong pag-suporta sa ating **The Diary Game Steemit Philippines Contest Week 1.