90 YEARS OLD OLDEST YOUTUBE GAME STREAMER IN THE WORLD
Introduction
Welcome back again dito sa ating steemit account mga kaibigan. Muli ay nagbabalik ang inyong lingkod.
Madalas gawin ng mga kabataan ngayon ay ang maglaro ng mobile legends, leauge of legends, dota, dota 2 at pub-g.
Ang mga binanggit ko ay mga online games na madalas laruin ng mga kabataan ngayon lalo na at nasa bahay lang karamihan sa kanila.
Kapag sinabing online gaming, madalas kabataan ang bumibida. Minsan pa nga ay inilalive pa nila ito sa kani-kanilang mga youtube channel.
Ngunit ibahin nyu ang taong bibida sa ating video ngayon. Isang lola na sumisikat ngayon dahil siya lang naman ang pinakamatandang youtube game streamer sa buong mundo.
Excited ka na bang makilala siya?
Yan ang ating pag usapan ngayon mga kaibigan.
Pero bago ang lahat ay kung napadaan ka dito sa ating steemit account na kung saan ay magkakaroon ka ng kaalaman sa mga kakaibang pangyayari sa ating kasaysayan ay magfollow ka na at iclick ang upvote ng sa ganun ay maging updated ka sa mga latest topic na aming inilalabas every week.
Oldest Youtube Game Streamer in the World
Image source: Top Gear Philippines
Hindi ko na papatagalin pa at ipapakilala ko na ang ating bida na si hamako mori.
Siya ay isang haponesa at tinaguriang oldest youtube game streamer sa buong mundo sa edad na 90 years old.
Madalas din siyang tawaging gamer grandma sa kanyang mahigit na 350,000 youtube subscribers as of june 22,2020.
Mga kaibigan, 1980s pa lamang ay naglalaro na ng mga video games ang inyong lola siyemre, wala pang mga online games sa mga panahon na yun.
Habang tumatagal ay unti unti niyang nahihiligan ang paglalaro ng ibat ibang mga video games.
Bukod doon ay nangolekta din siya ng mga gaming consoles at ang una sa mga ito ay ang cassete vision na nareleased noong july 30, 1981.
Malamang ay hindi mo na ito naabutan. Dahil maging ako man ay playstation na ang aking naabutan.
Lumipas ang maraming taon, dumating ang december 19, 2014, naisip ng ating lola na gumawa ng kanyang youtube channel.
Ang isa sa mga naging paborito niya ang video game na grand thief auto kung saan ay maglalaro ka bilang isang kriminal sa isang napakalaking siyudad.
Nagtuloy tuloy siya sa paglalaro at inaupload niya ito sa kanyang channel. Hanggang sa dumami ng dumami ang kanyang mga subscribers.
At dahl sa dami ng kanyang subscribers, nagawaran siya ng guiness world record bilang pinakamatandang youtube game streamer sa buong mundo.
Ang kanyang channel ay mayroong 348,000 subscribers at 15 million video views sa youtube.
At according to social blade, kumikita si hamako mori ng $422 - $6.7k kada buwan o katumbas ng 21,000 to 335,000 pesos.
Naging masaya siya sa kanyang ginagawa at ang sabi pa niya "after living for this long, i feel more than ever that playing games for this long was the right choice. I am truly enjoying my life"
Tunay na nakakahanga ang ginawa ng ating bida. Masarap talagang maglaro ng mga online games lalo na kapag kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay.
Madalas din akong maglaro ng mobile legends, dota, lol at iba pa. Subalit mas masaya pa rin gawin ang mga bagay na talagang nakahiligan mo.
At bago natin tapusin ang topic ito ay magtatanung muna ako kung anung online games ang paborito mong laruin?
Icomment mo na sa baba ng video na ito at wag kalimutang magsubscribe at iclick ang notification bell ng sa ganun ay maging updated ka sa mga latest topic na aming inilalabas every week.
Ako si alfren ng alfren aiza tv.
Do not forget to Follow, Subscribe to our Social Media Platforms
Facebook: facebook.com/alfrenaizatvYoutube: youtube.com/c/alfrenaizatv
Twitter: twitter.com/alfrenaizatv
Steemit: steemit.com/@alfrenaizatv
oh that was amazing. Is she playing dota or just using a joystick?