RELEASE THE PAST

in #life7 years ago

Apostle Paul said:

"I am focusing all my energies on this one thing: Forgetting the past and looking forward to what lies ahead."
Philippians 3:13

images (1).jpg
Imge Original Link

If you're battling unforgiveness, malamang na alam mo na ang lahat ng biblical and other reasons kung bakit dapat mong iforgive ang nakasakit sa iyo.

Malamang na alam mong hindi ka patatawarin ng Diyos kung hindi ka magpapatawad. "When you are praying, first forgive anyone you are holding a grudge against, so that your Father in heaven will forgive your sins, too." (Mark 11:25). Alam mo nang makaka-improve sa iyong emotional at physical health if you let go of the hurt. Nare-realize mo na your unforgiveness is stressing you dahil pinapanatili nitong fresh sa mind mo ang memory ng hurtful event. You may even feel that your heart starts to race a little each time when you rehearse the details of the offense, and extra adrenaline goes into your bloodstream. Kung pwede sana ay mapurusahan in some way ang nakasakit sa iyo (not necessarily by you), para naman maramdaman din niya ang sakit ng ginawa niya sa iyo. Lagi kang nag-iisip kung paano makakaganti. Tigilan mo na! Why allow someone to control your thoughts? Ayaw mo bang magkaroon ng kapayapaan ng loob na mangyayari kapag iniwan mo ang nakaraan at magfocus ka sa hinaharap? Tingnan natin kung paano ka makakalaya mula sa Bilangguan ng Hindi Nagpapatawad.

Flash-ii.jpg
Image Original Link

Isang misleading myth na makakapagpatawad ka sa sarili mong kakayahan. May nagsabi, "Forgiveness is divine." Mas malalim pa ang kasabihang ito kaysa inaakala natin. Ang pagpapatawad ay hindi lamang isang magandang idea- ito ay isang banal na utos.

Sa Diyos galing kahit ang desire to forgive. "God is working in you, giving you the desire to obey him and the power to do what pleases him." (Philippians 2:13). Pero madalas, matagal bago mangyari ito para sa marami dahil gusto nilang alagaan ang galit nila, tulad ng pag-aalaga ng isang ina sa baby niya. Hindi ito dapat na nangyayari sa nga anak sa Dios, dahil gusto nating gawin kung ano ang nais Niya. Kaya't kailangan nating hingin agad ang tulong ng Diyos kapag may nakasakit sa atin. Kapag ibinigay ng Diyos ang desire to forgive, you may not feel the emotion to forgive. Pero, huwag kang mag-alala, tama ang ginawa mong desisyon, at nasa Diyos na ang burden to heal your emotions.

russell-burden-adult-and-young-elephants-sunset-light_a-G-3544140-4990875.jpg
Image Original Link

May ilan pang myth about forgiveness na idi-debunk natin. Hindi kailangang iresume ang relationship n'yo ng nakasakit sa iyo- lalo na kung maliwanag na di naman siya nagsisisi at nagbabago. Hindi rin ibig sabihin na kapag nagpatawad ka ay kino-condone mo ang ginawa niya. Huwag mong isipin na pinalulusot mo na siya- na pinapawalang sala mo siya. Hindi, inaalis mo lamang ang sarili mo sa pagkakabitin sa hook so that the hurt does not hold you back from living the life that is before you. Panghuli, forget about forgetting. How can you forget? Ang Diyos lamang ang may kakayahang burahin ang mga nagyari sa memory mo. Pwede mo paring maalala ang mga nagyari- if you so choose, but then, wala na ang hapdi! Mawawala na rin ang malice at desire for vengeance! Don't let Satan taunt you na hindi ka parin nakapag-forgive, just because you still remember.

unnamed.jpg
Image Original Link

In the world today, isang napakalaking problem ang unforgiveness between individuals, as well as nations, kaya pinapag-aralan ng maraming secular institutions kung paano turuan ang mga tao na magforgive. Nadiskubre sa Stanford University Forgiveness Project, isang pangmatagalang pagaaral tungkol sa epekto ng forgiveness sa mental health, na sukdulan ang nagagawa ng forgiveness sa pagbabawas ng chronic stress- ang uri na kinakain kang unti-unti. Pinapahayag ng researchers na the ability to forgive is learned behavior- natututunan ito. Kinukumbinsi nila ang participants na humanap ng paraan para magpaabot ng understanding sa offender, and for them to find something in him that they can feel compassion for. Isipin mo, ano kaya kung isama nila rito ang "God factor"?

images (2).jpg
Image Original Link

By the way, ikaw ba mismo ay isa sa mga naka-offend sa sarili mo sa nakaraan? Sobrang remorseful ka ba? Sobrang sama ba ng iyong loob sa iyong nagawa at baka nalulubog ka na roon, at hindi mo na mapapatawad ang sarili mo? Alam mo ba na anupaman ang nagawa mo, hindi nasorpresa ang Diyos? Do you know that "All have sinned; all fall short of God's glorious standard" (Romans 3:23)? So why are you still keeping yourself in bondage? Laya na!

160606174353-southeast-asia-child-exlarge-169.jpg
Image Original Link

From: Sister Deborah Smith Pegues

Thanks fellows for reading! And to those who understand this article on both english and filipino, this all for you!

Til then,
IVAN
IVANCUYAG-1.png

Sort:  

Congratulations @ivancuyag! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Above all, TO GOD JESUS CHRIST BE ALL THE GLORY!

Madali Lang magpatawad...lalong-lalo na Kung may humihingi ng tawad! At Yung taong yun ay IPINAPAKITA at PINADADAMA na nagkamali sya at TOTOONG HUMIHINGINSYA NG KAPATAWARAN ! SINCERITY!

Naa juy mga taw nga MAAYO Lang jud sa sturya! Diba?

Naa gyud bro! Kinsa kana sila sa?