Panahon ng tagulan panahon ng pagbaha
Nagsimula na naman ang panahon ng tag ulan dito samin sa pilipinas. At kasama ng pag ulan ay ang pag baha. Baha na nakakaperwisyo sa bawat mamamayan baha na ang pinagmulan ay mga tao din naman. Naalala ko noong bata pa lamang ako wala naman ganitong problema sa lugar namin kahit bumagyo hindi ito nagdudulot ng pagbaha. Ngunit kasabay ng aking pagtanda ay ang pagbabago din ng maraming bagay at isa na roon ay ang pagbabago ng aming lugar at kalikasan. Mabilis na umasenso ang aming bayan (santa rosa laguna) maraming mga establisimento ang itinayo malls , theme parks , sport complex , subdivisions at kung ano ano pa na nagpapatunay at sumisimbulo na umuunlad na ang aming bayan. Ngunit kaakibat ng bawat pag unlad ay ang ilang hindi magandang epekto nito katulad na lamang sa pagtatayo ng mga gusali at subdivision ay ang pagkawala ng mga puno at kabukiran na syang pumipigil sa pagbaha. At ang epekto? Pagbaha! Kaunting ulan lamang ay bumabaha na sa aming bayan. Dahilan upang makansela ang mga pasok sa paaralan. Ang pagkalate at hindi magawang pagpasok sa trabaho dahil walang masakyan dahil sa baha. Oo nakakatuwa na kasabay ng mabilis na agos ng panahon ay nakakasabay ang aming bayan ngunit sa pag unlad na ito ay maroon ding hindi magandang dulot sa aming mga mamamayan. Kaming mga mamamayan ang nagsasakripisyo dahil sa pagbaha. Napakahirap pag binabaha ang lugar mahirap kumilos malaking perwisyo. Bukod din sa abalang dulot bg pagbaha ay may dala din itong sakit kagaya ng leptospirosis na dulot ng ihi ng daga na nahahalo sa tubig baha. At kung ano ano pang mikrobyo ang makukuha sa maruming tubig ng baha na maaring magdulot ng sakit sa mga tao. Kaya panahon na para matuto tayo tigilan na natin ang pang aabuso sa kalikasan! Tigilan na natin ang pagtatapon ng basura kung saan saan na nagdudulot ng pagbabara sa mga kanal at estero na nagdudulot din bg pagbaha. Matuto na tayo habang may panahon pa. Habang pwedi pa! Hindi bukas hindi mamaya ngayon na.
Upvote this: https://steemit.com/free/@bible.com/4qcr2i
Upvote this: https://steemit.com/free/@bible.com/4qcr2i