Tsinelas (likhang pilipino)
Nakakalungkot na pagsisikap, sa kabila ng hirap ay pilit lumalaban sa hamon ng buhay..
Gigising ng maaga upang makapaghanda ng makakain ng hindi mapagalitan ng inang pagod sa kakayod sa ilalim ng mainit na araw maka kain lamang ang kanyang mga paslit.
Mag lakad naka paa papunta sa batis na pinagkukunan ng maiinum at ng makaligo bago papasok sa eskwila.
Baong kamote at tuyo balot ng mabangong dahon ng saging nakaipit sa bag na gawa sa sako ng bigas.
Naglalakad na pakinding-kinding dahil tumatama sa bato ang butas ng tsinelas na pinag tyagaang maisuot makapasok lang sa paaralan.
Tumutulo ang luha sa ingit sa kapwa mag aaral na may magarang kasuotan at masasarap na pagkain.
Pag-aaral na pinagsisikapan nawa balang araw makatapos sa kahit anung paraan mai ahon lamang buhay sawi at lugmok sa kahirapan.
Tsinelas na syang naghahamon upang lagpasan ang hamon sa kahirapan sa araw araw ako ay pinapaalalahanan.
Bawat tagos ng matulis na bato baon sa aking talampakan hamon na di ko inuurungan at hangat di ako lumagpas sa tuktok ng aking mithing kahilingan.
Dios na syang gabay sa oras ng aking kalugmukan akay akay ang munting bata hangang sa syay nagtagumpay.
Tsinelas kung gabay sa edukasyon nagpaunlad sa aking buhay ngayon ay aking inaalay sa mga batang nangangarap sa buhay.