Ulan
Sa pagpatak ng bawat ulan,ramdam mo ang lamig ng hangin na dumadampi sa iyong mga labi. Na tila ba'y nagsasabing sabayan mo ang bawat patak ng ulan na magsambit ng mga bagay na dinudulot nito. Sa bawat patak ng uLan na nakakatulong para patubig sa ating mga magsasaka, tuwa at galak ang kanilang nadarama na nakikitang masagana ang bawat palay na kanilang itinanim, na unti-unting lumalago at lumalaki ang bawat butil na itinanim, biyaya ang sa kanila'y ulan ay idinulot.
Nakikita mo ba ang mga batang nagtatampisaw at naghahabulan sa silong ng uLan, 'di ba't kay sayang pagmasdan ang bawat ngiti't halakhak ng mGa batang mistulang naglalaro sa uLap, bawat lukso at hampas ng ulang sa kanila'y sumasalubong ang dulot ay kasiyahan.
Naaninag mo ba ang kabundukan na may kay sasariwang mga puno? Yan ang biyaya na dinulot ng bawat patak ng uLan. Kay tibay ang pagkakahawak ng ating mGa puno sa bawat kabundukAn na nagsisilbing tirahan ng mga naggagandahang mga hayop,masagana at maayos ang pamumuhay ng bawat isa. Tahimik at sariwang hangin ang sa kanila'y dulot.
Ngunit sa kabila ng lahat,
Nakita mo pa ba ang iyong kapaligiran?
Nakikita mo pa ba ang masaganang kapaligiran?.
Iyong pagmasdan ang Ulan,
Nakikita mo pa bang biyaya ang ulan kung sa bawat pagpatak nito ay perwisyo sa bawat mamamayan na inaabot ng baha, dahil sa mga basurang nagkalat at ngayo'y sa iyo bumabalik,
Halos lahat ng kalye'y hindi na kaaya-ayang pagmasdan dahil sa mga gabundok na basurang maaaring magdulot sa iyo o maging sa iyong pamilya ng sakit?
Oo, biyaya ang uLan kung iyong sisimulan ang pag aayos at paglilinis ng kapaligiran na siyang nagbibigay sa iyo ng kapanatagan,
kapanatagan na muling makita ang bawat patak nito na kaaya-ayang pagmasdan at hagkan.
Ulan. :)
@originalworks
Congratulations @macoyguleng! You received a personal award!
Click here to view your Board of Honor