100th day Celebration | Writing Contest: Ang Paborito Kong Alaala

in #paboritongalaala7 years ago (edited)

Magandang buhay!!! Ngayon ay ika isang daang araw ko dito sa steemit. Bilang paggunita sa aking makulay na paglalakbay dito sa steemit, gusto kong ipagdiwang ito sa pamamagitan ng isang patimpalak.

Simple lamang po ang aking contest. Bilang maulan ngayon, at napapanahon para magbalik tanaw at magpaka emo sa mga alaala ng nakaraan...

Ano ang alaala mo noong bata ka pa na pinakagustong gusto mong binabalik-balikan?

Ako kasi yung nagma-mother ako sa 10-20 o kaya jackstone atsaka sa chinese garter. Ngayon kasi mas gusto ko na lang maging mother ni Aya. Haha.

Simple lamang po ang mga kailangang gawin:

  • Ilahad sa amin ang inyong pinakapaboritong alaala na may minimum na 300 na salita
  • Ang akdang inyong isusumite at dapat sulat sa wikang tagalog
  • Gamitin ang pamagat na "Ang Paborito kong Alaala" (maaari kayong magdugtong ng personal niyong pamagat)
  • Gamitin ang tag na #paboritongalaala
  • hindi kinakailangang may larawan pero mas ikagaganda ng inyong akda kung may kahit tatlong larawan. Orihinal na larawan (kung may mahahanap ka pa sa baul ninyo) mas okey, pero kung hiniram lamang ay lagyan ng pinagkuhanan
  • I-upvote at I-resteem ang post na ito para mas marami tayong makitang mga alaala, mas masaya!
  • I-comment ang link ng inyong entry sa post na ito
  • Isang entry lamang ang ikokonsidera sa bawat participant

Ang mga premyo:
2nd place: 1 SBD mula kay @twotripleow
1st place: 2 SBd mula kay @davinsh
Champion: 3 SBD mula sa inyong lingkod

Ang ating hurado ay walang iba kundi si @tpkidkai

Ang patimpalak na ito ay tatakbo nang pitong araw mula sa pagkakapost nito. :-)

Ano pa'ng hinihintay niyo? Sabay sabay tayong maglakbay sa nakaraan! :-)

FB_IMG_1528542125556.jpg

Kinuha ko ang larawan mula sa aking facebook account.

2123526103.gif

Sort:  

Congrats sa iyong ika isang daang araw dito sa steemit kabayan, tuloy tuloy lang at God bless sa iyong patimpalak...nawa marami ang sumali. Kelan ba ang deadline ? Para sana maka sali ako...

Maraming salamat sa suporta. Pitong araw pong tatakbo ang patimpalak. Hihintayin ko po ang entry mo. :-) ♡

Maramibg salamat sa pagsali! :-)

Binabati kita sa 'yong ika sandaang araw. At ako au nagagalak na ika'y nasiyahan sa komunidad ng Steemit. Nawa'y marami ka pang marating dito. :)

Salamat Vin! :-) salamat din sa pagsponsor! :-)

Go here https://steemit.com/@a-a-a to get your post resteemed to over 72,000 followers.

Binabati kita kabayan @romeskie sa iyong makulay na paglalakbay dito sa Steemit. Ikinagagalak rin kitang makilala :) Napakaganda ng ideya ng patimpalak na ito. Syempre sasali ako! Tiyak na abot langit ang mga ngiti ng ating mga manunulat habang nagbabalik tanaw sa magagandang ala-ala ng ating kabataan.

ang kulit nito
ang sarap basahin panigurado ng mga entry dito :)

Tama! At sakto pa sa panahon dahil maulan at masarap mag reminisce. :-)

Sa'yo aabangan ko master idol haha.

Romeskie Support! Romeskie Support! Ito ang post ko din hahaha

https://steemit.com/paboritongalaala/@tpkidkai/ako-ay-batang-90-s

Makiki saling ket-ket ako.