Isang pares ng sapatos
Kung aking susurin at babalikan ang panahon,
Ang aking pares ng sapatos ay parang love natin ngayon,
Nag-umpisa sa magka-parehong ganda ng pag-ibig,
Ngunit nag-bago ito kahit hindi man natin ibig.
Parang sapatos kong araw-araw kong gamit,
Noong bago pa’y ayaw magasgas at laging bit-bit.
Ngunit hindi maiwasan na magkaiba ang kanilang tinahak na daan,
Minsan ang kaliwa ay nasa tubigan, ang kanan naman ay nasa putikan.
Habang tumatagal ang sapatos ko’y hindi na pares tignan,
Magka-iba at hindi na perpektong pagmasdan.
Ang isa’y matingkad pa habang ang isa’y kupas na,
Ang isa’y butas na habang ang isa nama’y pudpud pa.
Iisa man ang destinasyon ng mga sapatos kong ito,
Magkaiba silang hinulma ng panahon.
Sa tagal ng panahong napa sa akin ito,
Ilang beses na rin itong muntik masira at maitapon.
Nakakatuwang isipin na kahit luma na ang mga ito,
Subok itong matibay kahit sa mahabang panahon.
Ibang-iba man na ang mukha ng mga sapatos kong ito,
Alam kong mananatili itong pares sa habang panahon.
Ang paborito kong pares ng sapatos, na parang love ni ikaw at ni ako,
Ay hinding-hindi ko bibitwan hanggang sa huli nating hantungan