Life StorYnia: My First Tagalog Post --- "CHAROT"

in #philippines7 years ago

Minsan totoo, minsan hindi. Ni hindi maipaliwanag kung biro pa rin ba o sadyang totoo na. Masakit at mahirap makarinig ng mga salitang hindi mo alam ang kahulugan at walang kasiguraduhan. ‘Yung tipong akala mo seryoso na, iyon pala hindi. ‘Yung tipong nag-umasa ka na pero wala lang pala. Isa lang pala itong malaking “charot”.

wow-charot.jpg
Source: memegenertor.net

Madalas nating marinig ang salitang “charot” na mas pinaikli pa at naging “char”. Bakit nga ba nag-eexist ang salitang ito sa diksyunaryo ng mga kabataan lalo na sa mga estudyante? Ano ba ang ibig sabihin nito at bakit ito nauso at kinahumalingang gamitin ng mga kabataan? Ang salitang “charot” ay orihinal na nagmula sa gay language na ang ibig sabihin ay joke o biro. Tinatawag namang “charotera o charotero” ang mga taong mahilig magbiro o mambola. Nauso ito higit isang taon na ang nakalipas at hanggang ngayon ay maririnig pa rin ito mula sa iba’t ibang sulok ng kanto, classroom, palengke at kung saan man.

Ginagamit na rin ang salitang ito ngayon bilang ekspresyon dahil sa nakakatuwang tunog nito na masarap sa pandinig. Lalo pang pinaikli ang salitang “charot” at naging “char” di kalaunan. Hindi na lamang mga kababaihan o binabae ang gumagamit ng salitang ito ngunit pati na rin ang mga kalalakihan. Ito ay para mas mapasaya ang bawat pangungusap at hindi maging masyadong seryoso.

Mayroon na ring iba’t ibang spelling ang salitang “charot” dahil madalas itong magamit sa mga chat at text messages. Minsan ay “charaught, chauce o chos” na ang ginagamit upang mas mapa-drama ang epek nito sa makakabasa. Maihahalintulad ang salitang ito sa salitang “echos” na may kaparehong kahulugan.

Mula sa isang makulay na kasaysayan ng salitang “charot” , ngayon ay maaari na rin itong pagmulan ng isang hugot . Kung noon ay isa lamang itong biro o joke na madalas gamitin sa masasayang pag-uusap, ngayon ay maaari na rin itong maging sanhi ng isang masaklap na karanasan. Kasi yung tipong nagkaaminan na ng nararamdaman, yung tipong nahuhulog ka na sa mga paandar niya, yung tipong naniniwala ka na sa mga sinasabi niya, sabay sabi niya sa huli, “uy charot lang”. (saklap beh </3)

Parang ganito:

“Samahan mo ‘ko kumain, libre kita!” (tapos yung mag-ooo ka na biglang....) “Char lang teh!”

“Sasagutin na kita.” (tapos yung aktong tatalon ka na sa tuwa biglang....) “Char lang, hintay ka pa, malapit na.”