Utang ng Pinas, ang Reyna at Kuraption
Part 2
Laliman pa natin ang pag sisid sa issue
Tungkol sa pagugul ng “pork barrel” na ito
Hindi kasi lahat ay naging totoo
Na gamiting kasankapan ng serbisyong matino
Isang senador ang nooy nag ulat
Ng proyektong malaki na nakakagulat
Farm to market road ito na “invisible?”
Kaya naman tinawag na “road to nowhere”
Nakakapanhinayang ito mga kapatid
Nakagawa man lang sana ng kalsadang makitid
E,hindi na sana loob koy sumakit
Ngayun tuloy ang galit koy umabot yata sa langit
Sa aming bayan, nagmahal ang abono
Ang sinabing dahilan nagkulangan daw sa mercado
O, shit! Magmura nanaman ako
“Fertilizer scam” pala,huli na nung malaman ko.
Eto nanaman ang bagong balita
Senadores at congressmen sabay sabay tumira
Alam nyu na to mga kapatid, mainit init pa!
Ang master mind daw nito, tinawag na reyna.
Ang kanilang kalakaran talaga namang maayos
Nagsitayo ng “N.G.O” na panay naman bogus
“Kalas”! arabic ito mga kapatid! ang ibig sabihin ay tapos
On the right place na po sampong bilyones ng Pinas
Tanungin natin, saan na napunta?
Kung sa bayan ito, bakit walang nakakita
Kailangan pa naman ng “ farmers” ang pataba
Nakasalalay dito ang aning masagana
So, di nga napunta sa pinaglaanan
Pinanggawa ito ng personal na tahanan
At sa dami ng pera hindi na napigilan
Para itong kaboteng tumubo na lamang
Dahil easy money, ok lang ang waldas
Porsche lang naman ang kotse ng unemployed na anak
Samantalang si “ farmer” balik ulet sa sakahan
Ang pag- asa nitoy pinasa Diyos nalamang.