📷My Street Photography | Buhay Pinoy "Sidewalk Vendor"📷
Street Vendor/ Sidewalk Vendor man sila dito sa ating bansa, sagabal man sila minsan sa kalye, ngunit maayos parin at dapat ikarangal ang kanilang mga hanapbuhay.
Isa ka ba sa nag reklamo na masikip ang kalsadang iyong dinadaanan? O isa ka sa mga suki nila na tumatangkilik ng kanilang tindang produkto?
Tila malayo-layo na marahil ang narating ng Maynila kung aspeto ng teknolohiya at urbanisasyon ang pag-uusapan. Sa kabila ng kaunlaran ng syudad, mayroon paring tindero at tindera sa mga bangketa na nakikipagsapalaran upang kumita ng pera para sakanilang pamilya.
Nakikipaghabulan, nakikipagtaguan at nakikipagpatentero ang mga sidewalk vendors sa mga MMDA na pilit silang pinapaalis sa lugar na tinuring na nilang ikalawang tahanan.
Ako ay hanga sa mga Pilipinong tulad nila na patuloy na lumalaban sa hirap ng buhay at di nagiisip sa kapwa ng kalamangan, sila ay lumalaban ng patas para mabuhay, di tulad ng iba na gumagamit ng dahas, di tulad ng iba na kailangan manloko, at di tulad ng iba na nagnanakaw sa kaban ng bayan para mabuhay at para masunod ang mga luho sa katawan at makaangat sa lipunang kanilang ginagalawan.
Nakakalungkot man isipin ngunit di pa rin natin maitatago ang katotohanang hanggang ngayon ay may umiiral paring diskriminasyon at di pagkakapantay-pantay sa lipunan na marahil ay di na mawawala pa.
Snap taken: July 2018
Capture: Image where shot using my SAMSUNG J7 Prime
tama ka... kaya dapat hindi sila minamaliit kasi atleast gumagawa sila paraan. Isa ko sa proud na anak ng street vendor.
Korek ka dyan mahalaga di nag nanakaw bagkus gumagawa ng paraan para mabuhay ng marangal 😄😄😊
Dati rin akong sidewalk vendor. Nasa high school at college ako noon.
Yong tipong hinahabol ng pulis kasi wala kaming permanenteng pwesto kaya bitbit namin ang mga bilao namin habang nagtitinda ng gulay sa tabi ng kalsada. Kahit papaano, karamihan naman sa kanila ay hindi abusado. Pinapabayaan nila kaming magtinda hangga't bitbit namin yong mga bilao. Pag nangalay kami at ibinaba namin yong bilao, diyan na eentrada ang mga pulis. Minsan, naghahalakhakan na lang kami habang naghahabulan. Pati yong pulis na nanghahabol, tawa ng tawa.
Sa kabila ng kahirapan na yon, awa ng Diyos malaking tulong yon sa pag-aaral ko at sa buong pamilya na rin.
Wow dati kang sidewalk vendor sis.. marami ako nakikita niyan sa palengke samin sa antipolo minsan pag nakikita ko naaawa ako lalo na pag nahuhuli sila kasi yun na nga lang pinag kakakitaan ginaganun pa sila pero siguro mali kasi nakakaharang sila sa daan pero mas okay na yun kesa naman magnakaw.. mabuti nalang at di naman pala lahat ng MMDA is abusado kasi kawawa naman yung mga vendor marangal naman ang ginagawa nila..
Maraming salamat sa komento mo sis, taga saan ka po pala 😊😊😊
Yap, dati akong sidewalk vendor sa Baguio. Sa dating harapan ng gumuhong Hilltop Hotel. Pero nandito ako sa Manila ngayon.
Ewan ko sa iba pero kami, alam naman namin na nakakasagabal kami kaya kahit paano isinisiksik namin ang sarili namin sa tabi. Kaya lang, yon namang may mga pwesto ang nagpapalayas sa amin. Harang daw kami sa paninda nila. Kaya ayon, kailangan talagang ihanap ang sarili ng kung saan pwedeng isiksik at di mapalayas. 🙂
You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo
@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo
Thank you for choosing my post @steemph.antipolo @arabsteem and @sevenfingers