Crochet is LIFE

in #pilipinas6 years ago

So hayun ako, matapos ang ilang seminar sa ABA (Applied Behavior Analysis) eto ako at nagbabalik sa paggagantsilyo. May roon kasi ako na binili sa Ravelry na pattern, paid pattern na ang halaga ay 5 USD. Upang mabigyang hustisya ko naman ang halaga na ipinambili ko sa pattern na iyon, eto ako at nag gagantilyo.

Sabi naman sa pattern kapag SMALL size ginawa ko, gamit ang 3.75mm na hook, ay maachieve ko ang chest na 35inches. Ginamit ko ang hook ko na 3.5mm at medyo may kanipisan na hibla ng sinulid na fine cotton. Sa isip ko, mas maliit sa 35inches and maggawa ko nito, kakasya sakin. At nang makarating ako sa chest part, ay naku! 40inches lumabas na sukat. Pang kay nanay pala ang ginagawa ko.

Akala ko pa naman, sa akin na ung ginagawa ko, pang kay mader pala. Anyways, Crochet is LIFE talaga.