Announcing "Word Poetry Challenge" #1. Tema : "Larawang Kupas" | Tagalog Edition

in #pilipinas7 years ago

Hello mga Makatang Pinoy!

Ako'y lubos na nasasabik na ianunsyo ang "Word Poetry Challenge (Tagalog Edition)", isang patimpalak na naglalayong maipakita ang kagandahan ng tulang nilikha ng ating kapwa kababayan at sila'y gantimpalaan sa kanilang bukod tanging mga gawa na inilathala sa Steem Blockchain. Ang bukod tanging patimpalak na ito ay nais masaksihan kung gaano ka malikhain ang mga Pilipino. Ang ating temang "salita" ay sya ring ating magiging "Paksa" sa tulang gagawin.

Ang patimpalak na ito ay ginagawa kada linggo na may ibang Temang Salita. Ito'y kapana-panabik!

Paano Sumali sa Patimpalak na Ito?

"Larawang Kupas"

Simple lang, gumawa ng isang tula na tugma sa Tema ng patimpalak na ito. Ang temang salita ay dapat maging pangunahing paksa ito sa iyong ginawang tula. Sa ngayon, ang ating temang salita ay "Larawang Kupas". Ang mga patnubay na ito ay dapat masunod para maging valid ang iyong entry.

Guidelines | Rules

  • Ang pamagat ng entry ay dapat : "Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas"

  • Ang iyong unang tag ay dapat #wordchallenge

  • Ang entry sa paligsahang ito ay dapat Tagalog

  • Ilagay mo sa comment section ang link ng iyong entry para maging valid ito.

  • Hanggang dalawa lamang ang maximum na entry sa paligsahang ito bawat user.

  • Lahat ng mga pinoy ay pwedeng makalahok sa paligsahang ito.

  • Ang nailathala ay dapat orihinal mong katha at hindi pa nailathala sa ibang sites (Automatic Disqualification kung mapatunayan)

  • Ang mga larawang gagamitin ay dapat orihinal o dapat maayos na nai-credit sa may-ari.

ezgif.com-gif-maker_16.gif

Gantimpala

Winner - $10

1st runner-up - $5

2nd runner-up - $3

Ang deadline ng pagsumite ng Entries ay ngayong May 13, 2018 at 11:59 p.m. (GMT +8). Ang mga huling mga naisumiteng entry ay hindi na tatanggapin.

Ang mga mananalo sa patimpalak na ito ay iaanunsyo sa May 14, 2018 kasama na ang gantimpala sa mga mananalo.

Ang Unang Hurado ay ako : @jassennessaj


Paano Sumoporta sa Patimpalak na ito :

  • Gumawa at magsumite ng entry sa patimpalak na ito.
  • I-upvote ang post na ito.
  • I-resteem ang post na ito.
  • Magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala)
  • Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord @jassennessaj#9609 o sa email [email protected]

Aasahan ko ang iyong Paglahok kabayan! :)

Ako'y lubos na nagpapasalamat kay @jason04 sa napakamatinding mga graphics design para sa paligsahang ito. Lubos ang aking galak sa iyong tulong, kabayan.

ezgif.com-gif-maker_16.gif

Sort:  

Aasahan ko ang inyong mga entry mga kabayan. Lahat ng mga Pilipino ay kasali :)

Sa mga nais lumahok, mariing i-komento nyo po ang inyong post link sa post na ito ng sa ganun maging valid ito.

Hello po! Di po ako marunong magsulat ng tula sa tagalog pero ginawa ko makakaya ko na maisulat ito.

https://steemit.com/wordchallenge/@iyanpol12/word-poetry-challenge-1-larawang-kupas-8192fbf5b970c

Hello kabayan! Narito ang aking lathala. Sana ay magustuhan mo. Salamat sa opotunidad na maibahagi namin ang aming pagiging makata.

https://steemit.com/wordchallenge/@wondersofnature/word-poetry-challenge-1-larawang-kupas