"Mga Naipit sa Satwa" ( Stranded in Satwa)

in #pilipinas7 years ago (edited)

#OFWDiaries

Ang tulang ito ay bahagi ng pakikipagsapalaran ng ating mga kababayan sa ibang bansa. Ito ay naglalaman ng mga saloobin, hinanakit, damdamin, karanasan, pagpupunyagi, pangungulila, at mga kadramahan sa buhay ng isang "OFW". Tara samahan nyo akong bigyan ng kulay ang buhay nila.

Konting kaalaman: Ang Satwa ay isang maliit na lugar sa Dubai kung saan naroon ang isang komunidad ng mg Filipino. Pag nandoon ka para kalang nasa Quiapo dahil sa dami ng kainan, pamilihan, at mga taong makasalamuha mo.

Narito ang tula ko:

Sabi mo
Matamis ang sinigang na maraming okra
Sagot ko mas matamis parin
ang mga ngiti mo
Dito nagsimula ang ating kuwento
Sa masikip na kwarto naging bahagi ka
ng aking kasalukuyang mundo
Katulad mo may mga nabuo na akong kahapon at mga hinabing kinabukasan
Ngunit sa pagsapit ng gabi'y
sabay tayong lumalasap ng alinsangan nito
Namamalakaya ng walang direksyon
Sa mahabang tagtuyot dito sa lupa ng langis
Ikaw ang mahinang patak ng ulan
na nagpapayabong sa akin
Ngunit matagal man ang tagtuyot
susunod parin ang taglamig
Katulad ng sinigang pumapait din
ang mga ngiti mo
Ang aking huling habilin
kung tayo ay muling babalik
sa ating lupang sinilangan
at kung mauuna ka
Huwag mo akong lilingunin
Iwan mo sa akin ang matamis mong
nga ngiti
Upang ito'y aking sarilinin!FB_IMG_1507039214509.jpg

Sort:  

@eileenbeach has voted on behalf of @minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond. To be Resteemed to 4k+ followers and upvoted heavier send 0.25SBD to @minnowpond with your posts url as the memo