Buhay sa Saudi 1 : Kaugalian sa Gitnang Silangan
"Salam alaikum" ang unang bati ng kahit sinong tao na makakasalubong mo dito sa Saudi Arabia. Ang ibig sabihin ay 'Peace be unto you'. Bata man o matanda, kakilala o hindi ay babatiin ka. Minsan may kasama pang 'shake hands' gamit lang ang kanang kamay. Oo hindi ka pwdeng makipagshake hands sa kaliwa kahit na kaliwete ka. Napatanong tuloy ako sa kasamahan ko kung bakit ba kanan lang palagi. Kasi ang kaliwa daw ang pinanghuhugas ng pwet. Minsan, gusto ko nalang din maniwala na un nga ang dahilan 😂😁. Nacurious ako, 1week palang ako dito sa saudi noon inabot ko stethoscope ni doc gamit ang kaliwa ko. Hala, hindi niya inaabot tapos nagalit pa. hahaha. Kaya hindi ko na inulit. Kaya ngayon hindi na rin ako tumatanggap at nag-aabot gamit ang kaliwang kamay.
'Salah' ang tawag sa kanilang pagdadasal. Hindi lang minsan o dalawang beses sa isang araw na dasal kundi limang beses. Oo limang beses yan, isa sa madaling araw bago sumikat ang araw, tapos sa tanghalian, hapon, dapit-hapon sa paglubog ng araw at huli na iyong sa gabi. Walang sinoman ang makakalimot sa kanila magdasal kasi bawat kanto may 'mosque' nila. Sabay-sabay lahat ng mga 'mutawa' (pari nila) para kumanta at magtawag ng magdarasal. Kapag nagshoshopping ka, bilisan mo kasi kahit na sobrang dami mong pinamili ay palalabasin ka nila. Magsasara lahat ng malls, gasolinahan, palengke, at kainan. Walang kahit anong nakabukas dahil ang anumang establishment na nakabukas ay panigurado, bukas sarado na.
Oh nagtawag na ng 'salah' nila. Teka muna. Kailangan ko munang tumakbo para makabili ng tinapay isawsaw sa kape maya-maya.🍰☕
Disclaimer: Photo from hotelmanagement-network