Ika-Anim na Edisyon ni Tagalog Trail

in #pilipinas7 years ago

Bagong araw at maraming salamat sa mga nagsusulat ng Tagalog sa steemit! Yehey bagama't maliit lamang ang aking halaga o ang halaga ng aking upvote ako ay lubos na nasisiyahan sa inyong mga likha.

Ngayong araw narito ang mga akda na aking nakita na sadyang nagbigay saya sa aking adhika.

Screenshot_26.jpg

Pinagkunan ng larawan




Ang aking sarili

Ako bilang tao namumuhay sa magulong sanlibutang ito ay maraming nararanasan. Hindi lang sa hirap ng buhay kundi sa pakikipag kapwa tao.




Ang hirap na naranasan ko noong ako'y Elementarya pa lamang

Ang naranasan ko noong akoy NASA elementarya pa ay paiba iba ako ng paaralang pinasukan dahil paiba iba din po ng tirahan ang aking magulang. May lugar na natirahan ang aking mga magulang na napakalayo ang paaralan sa aming tirahan isang kilometro.




Ang Sakit Na Dulot Ng Unang Pag-ibig

Ang kuwentong ito ay hango sa tunay na buhay, itago na lang natin ang sangkot sa kuwentong ito sa pangalan ni Katrina, Ronald, Troy at Ann.
Nagsimula ang kuwento ng lumipat si Katrina ng Unibersidad sa Lungsod ng Davao.




"Laro ng Buhay" - Orihinal na akda

Mundo ang palaruan ng mga manlalaro,
Buhay ang mismong laro.
Sa laro ng buhay may natatalo may nananalo,
Hindi isa hindi dalawa hindi tatlo, lahat pwedeng manalo at lahat pwedeng matalo.




MAPAGPANGGAP

Matatamis na mga salita
Bulaklakin mula sa iyong dila
Ang sarap naman kung itoy pakikinggan
Ngunit puot at galit ay syang maiiwan



Maraming salamat sa pagbabasa ng aking munting lathala. Para mas madali kong makita ang inyong likha mangyari lamang na gumamit ng mga tags na #tula, #pilipinas, #kwento, #literaturang-filipino o kung mayroon kayong link o kahit hindi sa inyo na nakita nyong likhang Tagalog. Maliban sa kontribusyon sa utopian mangyari lamang po na i komento nyo po ang link sa post na ito.



Mayroon na po akong account sa steemauto.com.



Piliin nyo lang po ang Curation Trail

At itype po ang aking pangalan tagalogtrail sa "trail name"

At pagkatapos po ay i click ang follow pag lumabas na po ang resulta

Pag inyo na pong nagawa iyan, awtomatiko na pong mag-a upvote ang inyong account sa sandaling ako ay nag-upvote na po ng mga likhang Tagalog dito sa steemit, ito po ay isang paraan para makita ng mga Tagalog na awtor na mayroon din siyang suportang nakukuha mula sa iba.


Muli ako po si Toto, isang alagad ng wikang Tagalog na nagpapasalamat sa inyong panahon at subaybayan nyo po ang aking mga susunod na edisyon ng Tagalog Trail.

Sort:  

Follow and upvote me
And back follow dan upvote you 😁

You got a 1.64% upvote from @allaz courtesy of @tagalogtrail!

Wow! ako'y nagagalak @tagalogtrail. at meron palang ganito. Maraming Salamat. Kapatid.

Opo, kakabukas ko lang po ng "account" na ito at iyan ang aking napansin. Walang masyadong nagsusulat ng Tagalog. Mas masarap magbasa ng Tagalog (para sa akin) kasi mas dama ang bawat kwento at likha nila.