Tula para sa akin ng aking pinakamamahal na asawa
Photo credits on me
Aking Banat
Paano mo ako napa-ibig ng ganito?,
Nung una nama'y parang isang biro-biro.
Hanggang tuluyan na kong nabaliw sa iyo;
Puso ko sana ay mahalin mo ng todo.
Mahal kita at lahat ay kakayanin.
Pagsulat ng tula ito'y sisiw sa akin,
Mahalin mo lang ako lahat ay gagawin,
Pati machong katawan iyong iyo na rin.
Totoo nga ba na ika'y kabiyak ko?
Dati dati lang nama'y nag-iisa ako,
Na walang pakielam kung san patutungo;
Pero dumating ka at ako'y pinagbago.
Ang sarap isipin na tayo'y magtatatlong taon na,
Na puno ng mga masasayang alaala;
Wag ka lang sana maging pasaway pa,
Pangako sa iyo mamahalin ka hanggang pagtanda.
Tumitindig pa rin ang mga balahibo ko sa tuwing bina basa ko ito. Naalala ko pa rin ang gabing pinag saluhan naming dalawa nung unang ibinasa niya sa akin ito ng aking asawa. Yung gabing yun na siguro ang pinaka hindi ko makakalimutang karanasan sa tanan ng aking buhay. Nangyari ito nung minsang natulog kami sa maliit na bahay sa gitna ng kanilang bukid ipinagdidiwang namin ang ikatlong anibersaryo namin bilang magkasintahan.
Sobrang bilog ang buwan noong gabing iyon, katamtaman ang liwanag na matatanaw mo ang mga palay na sumasabay sa ihip ng hangin ang sarap ding pakinggan ng mga insekto na animo'y umaawit. Ang sarap sa pakiramdam yung himig ng katahimikan hindi siya nakakabingi sa tenga. Napaka perpekto ng gabing iyon sa akin. Dati na kaming natutulog sa kubo-kubo nilang iyon pero ibang iba ang kapaligiran sa gabing iyon.
Napakasaya ng gabing iyon para sa kin na para bang wala ng isasaya pa. Ang sarap ng aming kwentuhan at tawanan ng bigla siyang may hinugot sa kanyang bulsa na isang papel. Tapos bigla niya akong hinawakan sa kamay at sabi niya"umupo ka muna at makinig ka''(napaka amo ng kanyang boses na para bang napapasunod ka na niya ng hindi mo namamalayan). Tumayo na nga siya at sinimulang basahin ang tula na ginawa niya para sa akin. Natatawa pa lang ako nung una pero habang tumatagal namamalayan kong unti-unti ng dumadaloy ang aking luha. Makikita mo ang sinseridad sa kanyang mga mata. At nung nasa huling talata na siya bigla na siyang lumuhod na animo'y parang isang kawal na nag aantay ng pag-uutos ng mahal niyang reyna. At nung matapos na nga yung kanyang tula binulangan niya ako ng"Happy 3rd Anniversary Baket". Hindi pa rin ako tumitigil sa pag hikbi sa mga oras na iyon. Pero bigla akong parang nabuhusan ng malamig na tubig ng bigla niyang tinanong kung may inihanda din ba ako sa kanya. Ayaw ko din namang na sayangin ang effort niya para iparamdam na mahal niya ako at sayang din naman ang perpektong kapaligiran sa gabing iyon. Kaya nagdesisyon na akong ibigay ang lahat lahat sa kanya sa gabing iyon(alam mo yun sinuko ang Bataan LOL). I won't go on the details kasi NSFW(SPG) na po yun hahaha. (I can give you link para dun JOKE!! wattpad lang?!)
Listening to this while writing
Wala akong pinag sisihan sa gabing iyon ganun talaga pag mahal mo ang isang tao ibibigay mo ang lahat lahat. Parehas din kaming wala pang karanasan nung gabing iyon. Kaya napaka espesyal talaga yung gabing iyon para sa amin. After six months ata pagkatapos ng gabing yun. Ayun nabuntis niya ako hehehe(ang landi ko ano at least sa asawa ko lang hehe). Sabi nila disgrasya, but for us it is called "DESTINY". Marami na kaming naging ups and down pero standing strong pa din naman kami ngayon. Gaya nga ng laging sinasabi sa akin ng aking asawa.
"As long as we love each other, everything will be perfectly fine".
Thanks For Reading guys...
Thank you in advance for your upvotes, resteem, and comments.
Please resteem if you love this BLOG..
Special thanks to @surpassinggoogle for his kindness in supporting us throughout the way in steeming.
And feeling grateful for my mentor @iyanpol12 for supporting every blogs i make and tutoring me all the way.
And to my Group chat members who keeps on upvoting my blogs. Thank you very much.
Steem On!
ang gagaling nyu mag tula..congrats and keep writing and sharing.
So sweet of you <3
Such a good poet.. 😊
Sis ramdam ko na malapit na ang Pebrero! Ayiiih.. Advance happy valentines.
how sweet nmn