" Ulan " - a Filipino Poetry

in #poetry6 years ago

furacacc83o-irma-miami-044.jpg

Ang bawat tunog at simoy ng hangin,
Wari mo'y di ka lilisanin.
Sa oras na nadyan sya iba'y masaya,
Sa dulo't nyang ligaya sa ilan,
Poot at hirap para sa kawalan,
Ng instrumento para mabuhay ng wasto,
Buto't balat mamamaluktot hanggat sya'y nandito.

Sarap sa silong ng hindi sya papapasukin,
Hirap sa ibang kaya nyang pasukin.
Yamang hindi makakaranas ng hirap,
Hirap na walang makuhang sarap.

Sa pagdating mo'y marami ang payapa,
Lilisan ka para mag iwan ng luha,
Sa ibang hindi ka kayang malampasan,
Tiis ang tanging paraan.

Ako'y isang halamang masigla,
Wag mo sanang kunin pa,
Ang aking iilang sanga,
Ito'y pinagpaguran ko pa,
Dugo't pawis ang kinaharap,
Ayoko nang muling maghirap.

Mananatiling tago habang ikaw ay nasa labas,
Hindi ko kayang tiisin ang iyong hampas,
hindi ko kayang pang hawakan pa,
ang liwanag na aking inaaasam sana magpakita ka na.


" Ulan "

Poetry written by Anthony Barba
07/18/18