Poem / NAPAGPILIAN PERO HINDI PINILI (A Filipino Poetry)

in #poetry7 years ago

Naranasan niyo nabang magmakaawa ?
Magmalimos ng konting awa
Upang kayong dalawa ay bumalik kung saan kayo unang nagsimula
Kasi kung ako ang tatanungin niyo ?
Ang magiging sagot ko ay oo
Oo naranasan lahat ng to
Lahat ng posibleng pwedeng gawin
Nagawa ng dahil lang sayo
Pero hindi mo alam kung sino saming dalawa
Na karapat dapat na manatili sa buhay mo
Mahal moko , mahal mo siya
Ano to ? 2 in 1?
Mahal nagpapatawa ka ba?
Kasi kung oo
Wag munang ituloy pa
Wag kang magbibigay ng motibo
Kung wala kang balak seryosohin ang mga to
Pinagpipilian mo kaming dalawa
Kahit alam mong may masasaktan kapa
At ako yun mahal, kasi mas pinili mo siya kesa sa taong palaging andiyan
Upang ikay damayan
Upang ikay alagaan
At higit sa lahat upang ikaw mahalin ng di matutumbasan nino man
Pinili mo siya, ngunit akoy inisip mo ba?
Inisip kung anong maidudulot ng iyong ginawa
Hindi diba ?!
Dahil makasarili ka
Makasarili dahil mas inuna ang kaligayan kesa sa katotohanan
Katotohang akoy nandito pa
Pero mas matimbang siya
Mahal tatanungin ko nga
Kakakilala niyo palang diba
Pero bakit ang bilis muna mang minahal siya
Mahal nakakapagtaka lang
Pagmamahal ba talaga o pagnanasa?
Hindi ako ang pinili kase wala akong maipagmamalaki
Hindi ako ang pinili dahil mas lamang siya
Hindi ako ang pinili dahil sa katotohanang dimo nako minamahal
Nagbigay ng motibo
Pero bakit dimo mapanindigan to
Wag kang mangako
Kung ang lahat naman nun ay napapako
Pinili mo siya ? Wala akong magagawa
Pero sa oras na narealize mong mali ang naging desisyon mo
Patawad wala kanang mababalikan
Wala na dahil sana nung una palang ako lang ang yung inuna
Pero patatawarin kita
Para sa ikagagaan ng aking nadarama
Hindi man ako perpektong lalaki para sayo
Hindi man ako ang pinili mo
Pangako mahal hinding hindi kita makakalimutan
Lalo na sa sakit ng nakaraan
Na kailangan ng wakasan
Bastat ang alam ko ginawa ko lahat para lang sayo


NAPAGPILIAN PERO HINDI PINILI

isinulat ni @eceninzz
03 / 05 / 2018

4.jpg

Image Source but Edited by @eceninzz

Bakit pa ba itatanong kung Sino ang pipiliin mo? Kung mahal mo ang isang tao di pede dalawa o tatlo. Masakit man sa damdamin pero ito'y tatanggapin. Pero tama na, ayaw ko ng maging Pangalawa. Kung maaari Ako naman ang unahin mo pede ba?



I am a part of @steemitfamilyph. Join us! Follow - Upvote - Resteem - Comment
Be a member on our Facebook page -- Click this Link

ece-2.gif


This is your steem friend,

- Niño M.
@eceninzz


UPVOTE / RESTEEM / FOLLOW

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by eceninzz from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Ang galing gustong-gusto ko yung parteng ito

Mahal moko , mahal mo siya
Ano to ? 2 in 1?

Kung gaano kasakit ang piliin ngunit parang hindi rin naman napili. Maari itong gamitin pang "spoken word poetry" bakit di mo din subukan ang D-Sound kaibigan siguradong mas mabibigyan mo ng kulay at emosyon ang tulang ito.


Salamat sa pagsusulat ng tagalog sobra sobra akong naligayahan dito.

Ayun o! Hugot! hahaha damang dama.


Bro I nominated your post for the 61st @steemitfamilyph featured post. All the best!